Chapter 35
NAALIMPUNGATAN ako at nakaharap pa rin ako kay Kalen, kahit pa inaantok na ako at bagsak ang talukap ko hindi ko magawang hindi siya titigan kahit sandali. Kosang kumilos ang mga kamay ko na para bang may sariling mga buhay nang iabot ko ang pisngi niya, I trace his eyebrow pababa sa nose line niya at tumigil ang daliri ko sa perpektong hugis ng labi niyang mapupula na bahagyang nakanganga dahil sa sobrang antok.
Its feel warmed habang yakap niya ako, gustong-gusto ko ang pakiramdam na iyon and I feel safe dahil sa kanya. Wala na iyong sugat ng kinalmutan sa kanyang mukha nong kalaban. Kahit hindi siya nagsasabi parang pagod na pagod siya, may bagay na hindi kami nagkakaintindihan pero hindi ko maiwasang hindi maawa sa kanya dahil sakripisyo niya at ilang beses na pagtulong sa ‘kin na mailayo lang sa kapahamakan. He even came here para lang bantayan ako, hindi niya dinibdib yung sinabi ko nong huli kaming nag-usap sa Caroline bago ako umalis.
“Thank you, Kalen,” bulong ko.
Aatras na sana ako nang bigla siyang kumilos at agad akong bumitaw. Sobrang lapit niya, dahil yakap niya ako hindi na ako nakaalis pa at nanlaki ang mga mata ko nang dumikit ang labi niya sa itaas ng labi ko. Agad akong napahawak sa balikat niya para itulak siya, sobrang bilis nang t***k ng puso ko lalo na nong dahan-dahan bumaba ang labi niya sa mismong labi ko, may lalong naglagabog ang dibdib ko sa gulat.
Ilang segundo siguro akong nawala sa ulirat bago siya naitulak nang bahagya para lumayo sa ‘kin nang maiusog ko siya. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya, bigla na lang nagising ang diwa ko dahil sa labi niya. Napahawak ang isa kong kamay sa dibdib ko.
***
Pinikit ko lang ang mga mata ko at nang idilat ko umaga na pala. Unang pumasok sa ‘kin si Kalen, yung labi niya na siyang naging sanhi para mamula at mag-init ang pisngi ko. Agad na akong bumangon ngunit wala na sa tabi ko si Kalen, naamoy ko ang niluluto sa kusina at naririnig ang ilang ingay na nagmumula roon. Bumangon na ako at lumabas ng silid saka ako dumiretso sa kusina. Saktong nakita ko siyang naghihiwa nang aksidente niyang mahiwa ang hintuturo niya.
Agad niya itong inagapan ang daliri niya para hugasan ang daliri niyang nagdurugo agad naman akong lumapit, nagulat siya nang kinuha ko ang kamay niya at bigla kong pagdating. Nakita ko na dahan-dahan itong naghilom kaya nakahinga ako ng maluwag lalo na nong maalala ko yung sinabi nong lumilipad na nilalang na nagbigay ng paalala sa ‘kin na kailangan kong ingatan si Kalen.
Napasulyap ako sa kanya at doon ko napagtantong nakatitig lang siya sa ‘kin. Those pairs of mysterious eyes giving me heart attack and the way he look at me na para bang napaka-precious kong bagay.
“O-okay ka lang?” Tanong ko sa kanya.
Binitawan ko ang kamay niya nang mabilis na binawi ang kamay ko para hawakan ito pabalik na siyang kinagulat ko. Habang tumatagal na malapit ako sa kanya mas lalong nagwawala ang puso ko sa dibdib at natatakot ako na baka marinig niya ito. Hindi ako sigurado kung anong ibig sabihin nu’n.
Para siyang curious na curious sa ‘kin hanggang sa dahan-dahan niya akong ikulong sa may lababo, nakatungkod ang isang kamay niya sa gilid ko para pang suporta habang hawak niya ang isa kong kamay.
Gusto kong magsalita ngunit hindi ko magawa, napatitig na naman ako sa mga asul niyang mga mata at saka dahan-dahan bumaba ang tingin ko sa mga labi niya, bigla kong naalala yung aksidente kagabi na bigla niya akong mahalikan sa labi, bigla na lang nag-init ang pisngi ko.
Pumasok sa ‘king isipan na, ‘paano ba humalik ang mga labi niya? Paano na lang kung kumilos…’ agad kong iwinaksi ang ideya na iyon at napailing.
Saktong nag-ring ang phone ko kaya agad ko siyang naitulak at tumakbo pabalik sa silid. Kinuha ko ang bag ko saka nilabas doon ang phone ko, nag-aalangan akong sagutin ito dahil unregistered number ang nasa screen ngunit sinagot ko na lamang ito.
Una’y wala akong naririnig hanggang sa makarinig ako ng hikbi sa kabilang linya.
[“Karen?”]
[“Hello, Sia, na andyan ka ba?”] Siya nga.
[“Bakit…anong kailangan mo? May problema ba?”] Para siyang takot na takot sa kabilang linya.
Magsasalita pa sana ako para sagutin ang tanong niya nang muli siyang magsalita.
[“Kagabi pa ako walang tulog, may mga kalampag at ingay akong naririnig sa condo ko. Pakiramdam ko ako na ang isusunod nila…please, Sia, puntahan mo ko.”]
Hindi na ako nag-alinlangan kahit na hindi pa ako nakakapunta sa lugar ni Karen, [“saan ba iyan? Sige, pupuntahan kita, hintayin mo ko at i-send mo sa ‘kin ang address mo ah, wait lang.”]
Nang putulin ko ang tawag halos atakihin ako sa puso nang biglang pagsulpot ni Kalen sa may pintuan, seryoso ang mukha niya at para bang sasabak na naman ang laban niya.
“Kailangan kong umalis, kailangan kong puntahan si Karen---”
“Huwag,” mabilis niyang putol sa ‘kin.
Napakunot-noo ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya, “a-ano?”
“Huwag kang pupunta kung ayaw mong mapahamak.”
“Bakit hindi, paano kung siya ang sunod? Humihingi siya ng tulong at kailangan niya ako roon,” pagpupumilit ko.
“Sia, hindi ako pumunta rito para iligtas ko ang ibang taong nakapaligid sa ‘yo, na andito ako para ilayo ka sa kapahamakan,” para siyang frustrated at anumang oras makikipagtalo na naman sa ‘kin.
“Edi ‘wag, hindi naman kailangan,” mabilis kong wika.
“Sia?” Nakataas ang isa niyang kilay na para bang hindi makapaniwala sa ‘kin.
“Kailangan kong pumunta, kung ayaw at sa gusto mo pupunta pa rin ako. Maraming salamat sa pag-aalala,” saka ko siya tinalikuran.
Mabilis akong nag-ayos at nagbihis. Paglabas ko ng banyo wala na si Kalen sa bahay habang iniwan niya ang natapos niyang lutuing almusal. Gusto ko man i-appreciate ang effort niya ngunit nagmamadali ako at baka kung ano pang mangyari kay Karen.
Nang ma-received ko ang mensahe ni Karen at kung saan ako pupunta agad akong dumiretso roon. Madali naman akong nakapasok at pinatuloy sa floor kung na saan nakatira si Karen dahil expected daw na may bisita talaga ang dalaga nang makapagsabi na ito sa lobby. Hindi naman nagtagal nang makarating ako sa tapat ng condo unit ni Karen na may 1221 number sa pinto nito, nagtaka ako nang makitang nakaawang ito, nag-aalangan akong pumasok ngunit dahan-dahan kong itong binuksan.
Bumungad sa ‘kin ang nagkalat na gamit sa condo niya sa sala pa lang at nakasarang pintuan. Nakita ko na lamang siyang nakahiga sa lapag sa may paanan ng sofa na blue habang yakap ang sarili, dilat na dilat, may itim sa palibot nang mga mata na para bang walang maayos na tulog habang suot ang pang tulog niya.
Agad akong lumapit sa kanya, nang makita niya ako agad siyang bumangon at yumakap sa ‘kin.
Nanginginig ang katawan niya at ramdam ko ang pag-vibrate nito.
“Salamat, Sia, salamat,” paulit-ulit niyang bulong sa ‘kin.
Hindi ko naman maiwasang hindi maawa sa kanya habang yinakap ko siya pabalik para kahit pa paano ma-feel niyang may kasama siya.