Chapter 36

1147 Words
Chapter 36 “Halika na at doon tayo sa kwarto mo,” pagyaya ko sa kanya habang inaalalayan ko sa kanya, hindi na siya nakipagtalo pa, “kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot. Nakarating kami sa isang pasilyo at sa dulo nu’n ang pintong nakabukas, tinulak ko ito gamit ang isang paa ko nang makarating kami roon, nagkalat din ang mga gamit doon, inalalayan ko siya hanggang sa makaupo siya sa kama. “Kailangan mo ng pahinga, dito---” aktong iiwan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa kamay para pigilan ako. Umiling-iling siya, “huwag mo kong iwan,” pagmamakaawa niya sa ‘kin. ‘Ano bang nangyari sa kanya at nagkakaganito siya?’ Umiling ako, “hindi ako aalis, lilinisin ko lang yung silid mo at saka ikukuha kita ng tubig.” Ayaw pa rin niya akong bitawan, huminga ako ng malalim, “sige na, sandali lang ako, babalik din agad.” Saka siya dahan-dahan akong binitawan, inilalayan ko siyang maihaga sa kama niya at kinumutan siya. Muli akong lumabas at saka isa-isa dinampot ang mga gamit na nagkalat. Nakakuha ako ng isang lalagyan at doon na lang nilagay lahat. Grey, black, white at silver ang halos nakikita kong kulay ng gamit sa buong condo na may pagka-minimalist sa simpleng design lalo na sa mga furniture. Pumunta ako sa counter ng kusina at kumuha roon ng tubig para kay Karen. Muli akong bumalik sa silid niya habang dilat pa rin siya at para bang naghihintay sa ‘kin. Pinaupo ko siya ng bahagya nang makalapit ako at saka siya pinainom ng tubig. Ipinatong ko sa nightstand ang baso saka siya muling pinahiga, kahit pa paano parang kumalma siya. “Hindi ka pa kumakain?” Nakapikit siya, alam kong gising pa siya pero hindi siya naimik. “Pwede namang magpahinga ka na muna at babalik din ako kapag nakaluto ako kahit mainit na sabaw.” Wala pa rin siyang imik. “Gagalawin ko muna yung kusina mo.” Tumayo na ako at aalis na sana nang magsalita siya. “Salamat.” Kaya muli akong napabaling sa direksyon niya. “Sorry, sa istorbo ko, Sia, ikaw lang ang naniwala sa ‘kin, lahat ng pwede kong matawagan tinawagan ko na pero hindi sila sumipot at hindi sila naniniwala sa ‘kin,” idinilat niya ang mga mata niya andoon na naman ang takot sa mga mata niya. “Ano bang nangyari, Karen?” Tanong ko sakay dahan-dahan naupo sa tapat niya para makausap siya ng masinsinan. “Yung una napapaginipan ko lang sila simula nong mamamatay si Penelope, naniniwala ako na sila ang kumuha kay Penelope at pumatay. Tapos…tapos kagabi dumalaw sila, dinalaw nila ako, nakakatakot sila, hindi ko alam kung anong gagawin ko at hindi na rin ako nakalabas ng condo ko kasi pakiramdam ko na andyan lang sila,” nanginginig niyang wika. Nag-unahang tumulo ang luha niya at hindi na muna ako nagsalita. “Kaya please, Sia, dito ka na muna baka bumalik sila,” pabulong niyang wika. Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi saka tumango, “dito lang ako at hindi kita iiwan.” Pinapanood ko siya nang may mapansin ako sa kanya, namumutla siya at may kung anong dalawang dots na pula sa leeg niya ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Naghintay pa ako ng ilang minuto roon, madali siyang dinalaw ng antok siguro’y dahil din sa pagod at wala siyang maayos na tulog. Dumiretso na ako sa kusina para magpakulo ng corn soup, habang nagpapakulo ako agad naman akong nagligpit ng kalat doon at may ilan pang basag na vase. Habang naglilinis ako nang makarinig ako doorbell, nag-aalangan ako kung sinong bibisita kay Karen, lumapit ako sa pintuan at sinilip ang maliit na butas. Bahagya akong nagulat nang makita ko yung weird na lalaki na may malamig na kamay na akala mo binababad sa freezer. Ano naman ang gagawin niya rito? Anong pakay niya kay Karen? Hindi na ako nagdalawang isip pa at binuksan ang pinto ng bahagya para makasilip ako. Ngumiti siya, para bang hindi naman nagulat na makita ako at hindi si Karen ang nagbukas ng pinto para sa kanya. “Hi,” bati niya na akala mo magkakilala kami. “Anong ginagawa mo rito?” Agad kong tanong sa kanya at hindi naman kami magkakilala. “Binibisita ko si Karen, hindi ako nakarating kagabi dahil may iba akong ginawa tumawag siya sa ‘kin na puntahan ko siya,” sagot niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sasabihin niya, nilagay niya ang isang kamay sa pinto at dahan-dahan itinulak niya ito kaya tuluyang bumukas ang pinto. Pumasok siya at pinagmasdan ang paligid ng condo unit ni Karen, para bang matagal na siyang nakapunta rito ar kabisado na niya nang maglakad siya patungo sa loob. Sinara ko na muna ang pinto bago ako sumunod sa kanya, “ang bango ah,” komento niya nang maamoy niya ang corn soup na kumukulo sa lutuan, dumiretso siya sa silid ni Karen. Sasawayin ko na sana siya nang huli na ang lahat at nakapasok na siya. Naupo siya sa tabi ni Karen na tulog ngayon saka niya sinuklay-suklay ang buhok nito. Nakatingin lang ako sa bawat kilos niya hanggang sa haplusin niya ang dalawang bilog sa leeg ni Karen na para bang importante ito sa kanya. Tumayo na siya at inayos ang bomber niyang suot, “salamat, aalis na ako.” Hindi pa ako nakakapaglakad nang lagpasan niya ako at dire-diretso lang siyang lumabas ng unit. Napataas ako ng kilay sa pagtataka at para bang wala ako roon. Hinayaan ko na lamang siya at least hindi ako ma-awkward pag na andyan siya. Nagtataka pa rin ako, ‘magkasintahan ba sila ni Karen? Pero bakit ngayon ko lang siya nakitang magkasama?’ Ibinaling ko na lang ang iba atensyon ko at tinapos na ang pagluluto ngunit tulog pa rin si Karen saka lang ako nakapagpahinga kung kailan bigla na naman nag-doorbell. Hindi na ako sumilip pa sa muting butas ngunit nabigla ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kalen sa tapat ko. Wala na ako nagawa nang makapasok siya at siya na mismo ang nagsara ng pinto. “A-anong ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kanya. Yung pamilyar na pakiramdam at pagbilis nang t***k ng puso ko naroon na naman. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap sa mga labi niya saka ibinaling ang atensyon sa mga mata niya, na-distract ako sa mga labi niya. ‘Alam kaya niya iyon?’ “Hindi ko maatim na wala ako sa tabi mo sa ganitong panahon at baka masisi ko lang ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa ‘yo,” sabi niya na lalong nagpawala ng puso ko. ‘Kalen, ano bang nangyayari sa ‘yo? Anong ginagawa mo sa ‘kin?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD