Chapter 37
MAGSASALITA sana ako nang makarinig kami parehas ng ingay mula sa silid kung na saan si Karen, parehas kaming napasulyap doon, dahil sa instinct hindi ko na pinansin si Kalen at patakbo akong dumiretso sa silid ngunit pag bukas ko ng pinto, wala akong nadatnan na Karen wala rin siya sa kamang iniwan niya, palinga-linga ako, naramdaman kong may nagtatago sa likod ng pintuan, lalapit sana ako roon at aktong papasok na sana si Kalen nang bigla itong magsara.
Napaatras ako sa gulat nang makita ko Karen na nanlilisik ang maliit na bilog na itim na mga mata niya sa ‘kin, mahahabang kuko at matulis na pangil. Sobrang putla ng balat niya at sobrang gulo ng buhok niya na parang bruha. Hindi ko na napansin ang kalabog sa pinto dahil kay Kalen at pagsigaw niya mula sa labas ng silid habang papalapit naman sa ‘kin si Karen
“Sia! Sia!” narinig ko si Kalen sa labas.
Dahan-dahan akong lumayo, dahil sa panginginig at lito kung anong gagawin ko tumama ang likod ng tuhod ko sa kama bigla na lang akong napaupo roon agad namang dumamba si Karen sa ‘kin kaya parehas kaming bumagsak sa kama. Nanginginig at nanghihina ang mga kamay kong dahil pilit ko siyang nilalayo sa ‘kin dahil gusto niya akong lantakan. Humahaba ang tenga niya at kumukulubot na ang balat ng mukha niya.
“Karen, tama na! Huwag!” Sigaw ko.
Nahawakan ko ang leeg niya at ito na lang ang tanging paraan ko para tigilan niya ako.
Bigla na lang bumagsak pinto, may humatak sa kanya palayo sa ‘kin, nagkita ko na lang na nagwawala siya sa sahig habang pilit niyang gustong kumawala, agad akong lumayo sa kama at tumayo. Sa inis niya’y si Kalen ang pinuntirya niya, nanlaki ang mata ko nang maitulak niya si Kalen palayo sa kanya, tumalik si Kalen sa pader at bumagsak sa sahig sa sobrang lakas. Agad na lumapit si Karen sa kanya, hindi ko alam kung bakit hinang-hina si Kalen, hinatak niya si Kalen sa damit at muling hinagis sa may sala.
Napahabol ako sa pace nila, lumapit siya at binalibag si Kalen ngunit hindi ko alam kung bakit wala pa rin siyang laban.
‘Anong nangyari sa kanya?’
Natumba si Kalen sa may lamesa, bumagsak siya sa sahig kasabay nito naglaglagan sa kanya ang mga gamit at tumama sa ulo ni Kalen ang lampshade. Hindi na siya kumikilos sa kinahihigaan niya.
Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko, hindi ko alam kung saan ako matatakot, kung para sa ‘kin o para kay Kalen. Bumaling ang ulo ni Karen sa ‘kin at umaangil pang lumapit habang papalapit sa direksyon ko.
‘Kalen!’
Nakatutok lang ang atensyon ko kay Kalen kahit na alam kong nasa panganib na ako at hindi ko alam kung anong nangyayari kay Karen kung bakit bigla siyang nagkaganu’n. Kailangan kong kumilos, kailangan ko!
Halos malapit na siya nang kumilos ang mga paa ko at tumakbo patungo sa kusina. Agad na nadampot ng kamay ko ang mainit pang sabaw.
“Sorry, Karen!” Sabay saboy ko sa kanya sa may kamay niya.
Nagsisigaw siya sa sakit at napaatras ngunit mas lalo pa siyang nagalit. Bago pa man siya tuluyang makalapit buong lakas ko na hinampas sa ulo niya ang pinangkuluang pot sa kanya. Tumunog pa ito bago siya tuluyang bumagsak at mawalan ng malay. Nanginginig pa ako nang maibagsak ko ang pot sa sahig, umalis ako roon at binalikan si Kalen na wala pa ring malay sa pinagbagsakan niya.
“Kalen…” ginigising ko siya habang inunan ko ang ulo niya sa binti ko.
Hindi pa gumagaling ang sugat niya sa ulo, hindi basta gumagaling ang sugat niya lalo na sa ulo, bumabagal ang paghinga niya.
Napasulyap ako kay Karen nang makitang nakatayo na siya sa may kusina, yinakap ko nang mahigpit si Kalen at hindi pa rin alam kung paano ko siya ilalayo roon. Taas-baba na ang balikat ko at para na akong mamamatay sa sobrang kalabog ng dibdib ko kasabay nang mabilis niyang pagkilos patakbo sa direksyon namin. Tumalon siya sa eri na siyang pinang lakihan ng mga mata ko, mahigpit kong yinakap si Kalen saka ko ipinikit ang mga mata ko.
Basta ang nasa isip ko lang nong panahon na iyon ay mailigtas ko siya, lumayo kami rito…
Napadilat ako nang makarinig akong ingay ng isang kalabog, nakita ko na lang si Karen na nakabulagta na sa di kalayuan habang nakasandal ang likod niya sa pader at naka-bent siyang nakaupo sa sahig na wala nang malay. Umuusog ang buong katawan niya, ang mas lalo kong kinagulat na makitang may animoy shield na nakapalibot sa amin ni Karen para maging dahilan na hindi kami nadikitan ni Karen, nag-spark pa ito at may kung anong kuryente ang dumadaloy sa shield. May kakaiba akong nararamdaman pero hindi dahil kay Karen.
Dahan-dahan akong napasulyap sa pinto nang bigla itong magbukas, ang lakas ng yapak ng mga paparating hanggang sa may makita akong tatlong lalaki ngunit hindi sila galing sa grupo ni Kalen sa Caroline, ngayon ko lang sila nakita pero may katulad silang tensyon sa mga Langston---makapangyarihan.
May isa pang pumasok, nakasuot siya itim na cape coat na nakapatong sa grey suit niyang suot habang may hawak na baston, parang sinaunang kulot ang mahaba niyang buhok habang may magkabilang highlight ang nakalabas na hibla ng buhok niya dahil nakatali ito, para siyang si Kalen ngunit may kakaiba sa kanya, hindi ko lang maipaliwanag kung ano, pero alam kung hindi sila naiiba kay Kalen. Napakatangos ng ilong niya na para bang peak ng ibon at para bang pati babae’y kakalabanin niya.
Bigla na lang nawala ang shield nang i-tap niya sa sahig ang dulo ng baston niya, wala siyang emosyong nakatitig sa ‘kin saka bumaling ang atensyon niya sa kay Kalen na wala pa ring malay.
“Si-sino kayo?” Tanong ko sa kanila baka isa rin sila sa mga kalaban, hindi ko alam.
“Dalhin ninyo si Langston sa kotse,” utos ng malamig niyang boses.
“Teka, hindi pwede! Saan---bitawan ninyo ako!” Hinatak ako palayo kay Kalen nong isa saka nilagay sa likod ko ang mga kamay ko para hindi na ako makapalaban.
Kinarga nong isa si Kalen nang walang kahira-hirap. Sinundan ko lang ng tingin si Kalen hanggang sa mailabas siya tapos naiwan ako sa kanila, sinusuri ako nong lalaking may hawak na baston saka siya lumapit sa ‘kin.
“Taga-konseho kami at hindi mo na kailangan pang makilam pa,” wika nito.
Bigla kong naalala ang sinabi nila Mia noon na mahirap kung pumagitna sa problema nila ang konseho. Kaya pala may kakaiba sa kanila at parang walang pwedeng bumastos sa kanila.
“Kasama ako ni Kalen, isama ninyo ako sa kanya, kailangan kong malaman kung maayos na siya,” para akong nagmamakaawa, sa pagkakataon na ito nagmamakaawa ako para kay Kalen.
Naningkit ang mga mata niya, “at bakit naman?”
“Alam naman ninyo siguro iyon diba, yung propisiya, ako ang nakatakdang mapapangasawa niya---”
Pinutol niya ang sasabihin ko, “alam kong may propisiya, matagal na ito, ngunit…hindi ikaw ang nasa propisiya, hindi ikaw ang sinasabi ng propisiya.”