Chapter 38

1297 Words
Chapter 38 “…hindi ikaw ang sinasabi ng propisiya.” Bigla akong nanlambot at hindi ko naramdaman ang nasa paligid ko habang nakatitig lang ako sa walang emosyong mga pares na mata. Nagsasabi ba siya ng totoo? Bakit parang totoo, bakit ang seryoso niya? Ano ba ang dapat kong maramdaman sa nalaman ko? Niloloko lang baa ko nila Kalen at ng buong Langston? May atraso ba ang pamilya ko sa kanila kaya naghihigante sila at ako ang na isipan nilang gawan nito? Hindi ako nakaimik, hindi ko magawang magtanong o sabihing mali siya. Lumapit siya sa ‘kin at marahas niyang hinablot ang kamay ko sa pagkakahawak nong lalaki, wala na ako sa naging reklamo sa ginawa niya kahit na nasaktan ako dahil sa gulat pa rin, hinarap niya sa ‘kin ang kaliwa kong pulso na para bang sinusuri roon. “Wala ang palatandaan sa ‘yo, kaya hindi ko masasabing ikaw ang nakatakda, mas magandang patayin ka na lang dahil marami ka nang nalalaman sa mundo namin…” Hindi ko na gaanong narinig ang mga sumunod niyang sinabi dahil bigla na lang niya akong sinikmuraan at nabitawan ako nong lalaking kasama niya kasabay nang pagkakabagsak ko sa sahig. Umubo ako ng dugo saka ako namilipit sa sakit, sobrang sakit na ngayon ko lang naramdaman. Wala raw ang palatandaan, naghihingalo na ako ngunit palatandaan pa rin ang inaalala ko, nong unang pinakita sa ‘kin nila ito alam kong meron ako, nakita ko yun ang crescent moon, ngunit bakit wala ako nu’n ngayon? Diba dapat matuwa ako kasi matagal ko naman nang hinihiling sa kanila na sana hindi ko sila nakilala, gustong-gusto ko na makaalis sa mga anino nila at mabuhay ng payapa. Galit ako sa kanila, noon pero bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Bakit parang nagsisisi ako na hindi ko nakita ang palatandaan ko sa pulso ko? Dapat meron ako nu’n, pero bakit? Mas nangingibabaw ang pagtataka ko at pag-iisip kesa sa sakit ng sikmura ko. Kita ko ang paglapit niya saka niya ako hinampas-hampas sa braso, agad kong ikinilos ang mga kamay ko at braso para maitago ang mukha ko, naka-fetus position ako para protektahan ang sarili ko, hinahagupit niya ako ng baston niya na para bang hayop at hindi isang babae. Ayoko na! Suko na ako! Pero si Kalen, paano si Kalen? ~*~ I saw myself bathing inside a clear lagoon habang nasa ilalim ng nagniningning na kalangitan sa kagabi sa mismong gitna ng kagubatan, may mga alitaptap na nagbibigay ng liwanag sa lugar, hubo’t hubad ang katawan habang nakapikit ang mga mata ko na para bang nagpapahinga at walang inaalala. Hindi lang ako naroon kundi meron pang iba, si Kalen. From white wolf nagbago siya bilang tao saka niya nilubog ang hubo’t hubad din niyang katawan sa tubig saka ito lumangoy patungo sa ‘kin. Umahon ang ulo niya nang makalapit siyang tuluyan sa puwesto ko, pinakatitigan niya ang batok ko patungo sa likod ko, saka niya ito inabot at hinablot ang batok ko na siyang nagpadilat sa ‘kin. Ni hindi man lang ako nagulat ngunit nagbigay ito ng kakaibang kiliti sa buo kong sistema. Nagniningning ang mga mata niyang nakatitig sa ‘kin, hindi ko alam ngunit nagagawa niya akong gamitan ng hipnotismo gamit ang misteryoso niyang mga mata, hindi ako nag-alinlangan at agad na nagdikit ang mga katawan namin sa ilalim nang magawa niya ring lumapit, tinulak niya ako ng bahagya hanggang sa ma-corner niya ako maisandal sa batuhan, kahit pa malamig ang tubig ay nag-init ang buo kong katawan, dahan-dahan siyang lumapit habang nakahawak ang kamay niya sa batok ko, agad kong naramdaman ang labi niya sa pagdikit nito sa ‘kin. Ang lakas ng kalabog nang dibdib ko na nagwawala dahil sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinagot ng may parehas na intensidad na binibigay niya na lalong nagpapabuhay kung ano man ang meron sa loob ko… ~*~ Sa pagdilat ko habang nakatagilid ako agad kong inisip ang panaginip ko, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko at nararamdaman ko pa rin kung anong pamilyar na bagay hanggang ngayon. Napakunot-noo ako nang maalala ko ang nangyari kanina at kung na saan ako. Agad akong napabangon, nakahiga ako sa isang mahabang sofa, wala akong gaanong nararamdaman ngayon, wala ring gaanong gamit sa silid, walang bintana at may katapat na higaan sa sofa kung na saan ako. Agad akong bumangon at tinantya ang sarili. Nanlaki ang mga mata ko na makitang nakahiga roon si Kalen, agad akong napatakbo palapit sa kanya, nakatakip ang kumot sa kanyang ibabang bahagi ng katawan habang wala siyang saplot pang itaas. May mga galos pa siya sa katawan at mukha ngunit hindi ganu’n kalala. Bagsak ang buhok niya, kaya pakiramdam ko nag-iba ang aura niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko rito, pero pasalamat ako na siya ang una kong nakita, wala na akong pake kung ano ba yung sinabi nong konseho sa ‘kin na talaga nasaktan ako…napansin kong parang gigising na siya at padilat na. “Kalen, si Sia ito,” paggigising ko sa kanya. Hindi ako mapapanatag nito hangga’t hindi ko nalalaman na okay siya. “Kalen,” sabay haplos ko sa mukha niya habang naka-bent ako para mas along mapalapit sa kanya habang nakaupo ako sa tabi niya. Nakaunot-noo ako at hinihintay na tuluyang dumilat ang papabukas na talukap ng mga mata niya. Wala siyang naging reaksyon nong una dahil nakatitig siya sa kisame hanggang sa bumaba ang mata niya sa ‘kin, napabuntong-hininga ako nang magising nga siya. “Gising ka na, kailangan mo lang ng pahinga, maraming salamat,” nag-aalala kong wika, hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil habang tumatagal mas lalo akong nag-aalala sa kanya, “palagi ka na lang napapahamak dahil sa ‘kin, sorry,” gusto kong magalit pero dahil sa nalaman ko ngunit hindi ko magawa. Bibitawan ko sana ang pagkakahawak ko sa kanya dahil para siyang nagtataka at walang imik ngunit agad niya itong nahuli saka hinawakan nang mahigpit. Nagtataka ako hanggang sa dahan-dahan siyang bumangon at seryosong nakatitig sa ‘kin. Gusto ko siyang utusan na magsalita ngunit hinayaan ko na lamang siya. Siya naman ang nag-abot ng kamay niya sa pisngi ko, bigla kong naalala yung nasa panaginip kung paano niya ako titigan katulad ng ginagawa niya ngayon sa ‘kin. Wala kami sa tamang panahon para pairalin ang emosyon ko ngunit hindi ko mapigilan, hindi ko na mapigilan pa ang nararamdaman ko! Umusog pa ako ng kaunti hanggang may ilang pulgada na lang ang layo ko sa kanya, mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, hinihintay niya ang susunod kong gagawin na halos magkadikit na ang mga dulo ng ilong namin. I want to feel kung ano ang na-feel ko sa panaginip, gusto kong masubukan. “Sorry, Kalen,” agad ko nang inilapit ang mukha ko, ipinikit ko na lamang ang mata ko at tumama ng sakto ang labi ko sa kanya. Ang akala ko siya ang magugulat sa gagawin ko, ngunit ako ata ang nagulat sa agad niyang pagsagot nang dahan-dahan ang labi ko, siya ang nag-lead, bumaba ang hawak ng kamay niya sa batok ko na lalong pinagdiin ang mga labi namin, ang init, nakakakiliti…isa-isa ko nararamdaman kung ano ba yung hinahanap ko, nag-humurentodo ang puso ko sa pagtibok. Napahawak na ang isa kong kamay sa balikat niya para sa suporta nang bigla siyang huminto. “Alam ko marami tayong sasabihin sa isa’t isa,” bulong niya habang pinagdikit niya ang noo namin, “pero nasa kuta tayo ng mga kalaban.” Dahil sa sinabi niya nagulat ako’t napabitaw sa kanya at lumayo, “ano?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD