Chapter 39
AGAD akong napabalikwas at umalis sa kanya habang nakatitig pa ring nagtataka sa kanya. Tumayo na rin siya, siguro’y wala pa rin siyang saplot pang ibaba kaya itinali niya ang kumot na puti sa bewang niya kaya kita ang matipuno niyang katawan, magsasalita pa sana ako nang unti-unting animoy nag-fade away ang mismong itusa ng silid, napaharap ako sa paligid at pinagmasdan ang dahan-dahan nitong pagluwas na siyang nagpapakita ng tunay na anyo nito hanggang sa sumilay kung na saan kami, puros bato na ang nakapalibot at nawala na ang mga gamit. Parehas kaming napasulyap sa pintong bakal nang makarinig kami ng kalampag doon.
Hindi ko pa rin naiintindihan ang nangyayari ngunit malinaw na hawak nga kami ng kalaban, ang lakas ng kalabog nong dibdib ko at may kung anong lumilikot sa ‘king tyan, hindi dahil sa nararamdaman ko kay Kalen kundi sa bagay na maaring mangyari sa amin ngayon. Kinuha niya ang kamay ko at saka niya ako hinila sa likod niya para maprotektahan niya ako.
Napaigda pa ako sa gulat nang magbukas ang bakal na pinto sa lakas ng pagkakabukas nito. Sumilay ang lalaking kumuha sa amin at yung mga kasamahan niya.
“Hindi ba sila taga-konseho?” Tanong ko kay Kalen.
“Walang taga-konseho na ilalagay tayo sa loob ng kweba at ikukulong,” sagot ni Kalen na malinaw nga naloko niya ako at napaniwala.
Bigla kong naalala yung sinabi niya na hindi ako ang nasa propisiya, ibig sabihin lang nu’n isa lang din yon sa pagpapa-ikot niya sa ‘kin nong gising pa ako kanina. Sa isang iglap bigla akong natuwa ngunit nawala ang lahat ng yon nang makita kong maglakad si Kalen palayo sa ‘kin. Taas-baba ang balikat niya na para bang nahihirapan siya sa isang bagay.
“Hindi mo magagamit ang pagpapalit ng anyo hangga’t napapaligiran ng mahika ko ang buong lugar,” wika ng walang emosyong lalaki.
Bigla kong naalala yung nangyari kay Kalen kanina habang kinakalaban niya si Karen para ipagtanggol ako, napansin kong hindi siya nakapagpabago ng anyo, sila rin ba ang may gawa nu’n? Pero bakit niya kami iniligtas sa kapahamakan kung kalaban sila?
Dahil sa inis ni Kalen aatake na sana siya roon sa lider nang humarang ang isa at una siyang inatake. Natumba siya sa simpleng sapak sa kanyang mukha, ngunit mabilis din siyang bumangon para gumanti ngunit nakakuha na naman siya ng suntok sa sikmura, napakuyom ako sa kinatayayuan ko na hindi ko maatim makita kung anong nangyayari sa harapan ko, nakapanggagalit!
Dahil tutok ako kay Kalen hindi ko na nakita ang isa pa na lumitaw na lamang sa likod ko at kinuha ang magkabila kong kamay para pilipitin patalikod. Napasigaw ako sa sobrang sakit dahil wala akong laban sa kanya ngunit walang ito sa kanya.
“Sia~argh!”
Nasasaktan na ako’t lahat ngunit nagawa ko pa ring intindihin si Kalen kesa sa ‘kin.
Sobrang bilis ng pangyayari nang biglang lumitaw ang isang pamilyar na mukha, binigyan niya ng tadyak yung lider ng grupong ito, nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya, anong ginagawa niya rito?
Mabilis niyang inatake pa ang lider nang sipain niya ang baston nito, bago pa man makalapit ang lalaki sa kanyang baston kinuha ito nong isa at mabilis na binali. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang mabilis niyang sinaksak sa mismong dibdib nito ang patusok na parte ng bastong nasira. Nagulat yung dalawang kasamahan nito kaya nabitawan nila kami ni Kalen, ngunit walang patawad si Kalen nang wala nang malay ang lider agad siyang nakapagpalit ng anyong lobo. Mabilis niyang inatake ang lalaking malapit sa ‘kin at sinakmal ang leeg nito kasabay ng parehas nilang pagbagsak.
Mabilis akong lumayo sa labanan at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinapanood ko lang sila kung paano nila atakihin ang mga kalaban, walang kahirap-hirap sa isa nong kahit na papalapit na sa kanya ang kalaban.
“Huminto ka sa paghinga,” simple niyang wika sa kalaban.
Huminto ito ng ilang pulgada na lamang ang layo niya sa kalaban nang bigla itong bumagsak at napahawak sa dibdib. Naging asul ang mukha nito at para bang inaatake hanggang sa dilat itong nakabulagta sa malamig na bato. Patay na rin ang kalaban ni Kalen, lumapit si Kalen sa ‘kin habang naka-form pa rin siya bilang lobo saka humarang dahil baka kalaban pa rin ang kaharap namin.
Siya yung madalas na kasama ni Karen, yung weird na lalaki, anong ginagawa niya rito?
“Hey, hindi ako kalaban, ako nga pala si Third,” pakilala niya sa amin na para bang hindi weird na bigla siyang magpapakita sa amin.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at humarap sa pinto, “mamaya na ako magpapaliwanag marami ang papaparating,” seryoso niyang wika.
Tama nga siya nang bigla na lang ako makarinig ng ingay papalapit sa direksyon namin hanggang sa bigla na lang dumami ang mga kalabang kasamahan ata nong kumuha sa amin, mabilis siyang kumilos at si Kalen na labanan ang mga ito. Paminsan-minsan ginagamitan ni Third ng salita na siyang nangyayari sa kalaban, habang tumatagal lalong lumakas si Kalen din na para bang walang magpapahinto sa ginagawa niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang may papalapit na isa sa ‘kin. Para bang nabato ako sa kinatatayuan ko nang hindi ko man lang magawang tumakbo para ipagtanggol ang sarili ko, nahagip niya ako na siyang naging dahilan para tumalsik ako sa gilid, ilang segundo kong hindi naramdaman ang sarili ko habang nakadapa sa malamig na sahig, hindi ko man lang naigalaw ang sarili ko sa mga oras na iyon, papalapit na siya para muli akong atakihin ngunit mabilis na tumakbo si Kalen sa direksyon ko para na namang iligtas, nakakasawa na yung ganitong pangyayari, nakita ko na lamang siyang pinapatay sa galit ang gumalaw sa ‘kin gamit ang mga pangil niya at matutulis na kuko.
~awoo!
Umangil siya sa ibabaw nong napatay niyang kalaban.
“Tumigil kayo!” Sigaw ni Third na siyang pagtigil ng mga kalaban, “huminto kayo sa paghinga!”
Sabay-sabay ding bumagsak ang mga ito kasabay ng mawalan sila ng malay. Gaano kalakas si Third at nagagawa niyang gawin ito sa ganu’n ka simpleng paraan?
Lumapit si Kalen sa ‘kin, hinimas niya ang ulo niya sa ulo ko na para bang naawa sa ‘kin, inabot ko ang ulo niya saka siya hinawakan doon para himasin at maramdamang may kasama ako. Lumapit si Third sa amin.
“Kailangan na nating umalis dito dahil baka mas marami pang dumating na kalaban,” wika ni Third na may halong pag-aalala.
Lumapit si Third sa ‘kin at saka niya ako kinarga. Hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko, gusto ko man magsalita hindi ko maigalaw pati ang bibig ko para ibaba niya ako ngunit aksidente ko siyang hawakan sa pulso, nanlaki ang mga mata ko at nilamon ako ng liwanag. Hindi ko inaasahan ang nakita ko sa kanyang nakaraan.