Chapter 54

1243 Words
Chapter 54 ‘…paano ka nakakasiguro sa kanya na walang makakalapit sa kanya para ipaalala kung sino ba talaga siya? Nakapaligid lamang ang mga kalahi niya at wala tayong magagawa kung isa man sa mga nagmamanman sa kanya’y makuha ang atensyon niya para isiwalat ang lahat ng katauhan niya.’ Sa oras na ipikit ko para magpahinga sa sobrang pagod sa aming ginawa namin ni Kalen, ito ang tanong ng boses na narinig ko, wala akong makita na kahit na ano, pilit kong dinidilat ang mga mata ko ngunit hindi ko magawa na para bang may nagpipigil sa ‘kin para hindi ko gawin ito, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko kaya pinakalma ko ito, nararamdaman ko ang paligid at naririnig ang pamilyar na lagaslas ng tubig. ‘Gumagawa ako ng paraan para ilayo siya sa mga ito,’ wika ng boses lalaki. Hindi ko gaanong maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil hindi ko narinig ang umpisa ng kanilang pag-uusap, hinayaan ko na lamang ang sarili kong makinig sa dalawang pamilyar na boses, hindi pa ako sigurado ngunit may ideya na ako kung kanino ang mga ito, panaginip ba talaga ito? Sa tuwing may nangyayaring ganito nagkakatotoo at may nangyayaring hindi maganda. ‘Makinig ka sa ‘kin…’ ‘Siya ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang pack ngayon, alam nating hindi siya ang nakatakda sa ‘yo, sinira mo sagradong tribo natin, sinasabi ko sa ‘yo kabilang siya sa mga nilalang na kalaban natin, tuso sila, sa ngayon hindi pa niya alam kung anong nangyayari sa kanya pero alam natin at nakikita na unti-unti nang lumalabas ang kakahayan niya, gusto mo bang siya ang magpatumba at sumira ng iniingatan natin!’ Sandaling katahimikan bago sumagot ang lalaki. ‘Huwag mong sabihing nahuhulog ka na sa kanya?’ Hindi pa rin sumagot ang isang boses. ‘Paano ako…alam mong sa umpisa pa lang tayo talaga? Hindi mo ko pwedeng ipagpalit sa babaeng iyon? Palabas lang ang lahat! Iyon ang usapan, sabihin mong hindi, sabihin mo!’ ‘Umalis ka na, wala ka nang magagawa sa desisyon ko---’ ‘Hindi, sabihin mo sa ‘kin ngayon at tumitig ka sa mga mata ko na ako pa rin---’ ‘Oo, gusto ko siya! Masaya ka na ba? Hindi ko alam, hindi ko alam ang gagawin ko, gusto ko siyang tulungan, may paraan pa para mabago ang nakatadhana, hindi siya magiging katulad ng mga magulang niya na pumatay sa ama ko.’ ‘Hindi totoo iyan, nararamdaman mo lang yan dahil kayo ang madaling magkasama, pero yang puso mo alam natin ako pa rin ang laman at sinisigaw niyan,’ nabasag na ang boses ng babae na para bang maiiyak na ito anumang oras. ‘Umalis ka na, bumalik ka na sa mansyon.’ ‘Tandaan mo, siya ang magpapabagsak sa ‘yo iyon ang nakaguhit sa linya ng mga palad mo, hindi siya ang Luna mo, hindi magkatadhana ang linya ng mga palad ninyo o magkadugtong ang pulang pisi para mag-ibigan kayo, nakatakda kayong magharap para maglaban at matira ang matibay, tandaan mo yan, hahayaan kita sa gusto mo hihintayin ko ang pagbabalik mo…’ ~*~ Sa pagdilat ko hindi ko alam kung bakit lumuluha ako, mabigat ang pakiramdam ko habang nakatapat ako sa kisame habang madilim ang silid, hindi ko sigurado sa nararamdaman ko, kakaiba ang panaginip na iyon para makaramdam ako ng mabigat ng emosyon. Humarap ako sa direksyon ni Kalen na nahihimbing na natutulog sa tabi ko, bigla na lang pumasok sa isip ko ang ideya na anumang oras maari niya akong iwan? Maari kaming magkahiwalay…lahat ng ito’y panandalian lamang o hiram na oras para sa aming dalawa. Sumuksok ako sa dibdib niya kaya kumilos siya ng bahagya saka niya ako tinago sa bisig niya, pinilit kong makatulog habang may bumabagabag sa ‘kin hanggang sa muli akong lamunin ng antok. MADALING araw na nang muli akong magising, may kung ingay mula sa baba kaya napabangon na ako, tulog na tulog si Kalen habang nakatalikod siya sa gawi ko, para bang biglaang nagising ang buo kong diwa kaya ginawa ko na lamang ay bumaba ng kama, kinuha ko ang mga damit ko para suotin lalo na’t hubad akong nakatulog, yinakap ko ang suot kong cardigan, saka lumabas ng silid dahil muli ko na namang narinig ang ingay sa may sala. Para bang namalik-mata ako nang makakita ako ng aninong kumilos sa may pinto, mabilis ang kilos niya kaya hindi ko na namalayang nakalabas na siya ng wooden house habang naiwan niyang bukas ang pinto, may maliit na itim na box ang naiwan sa harap ng tarangkahan ng pintuan. Naglakad ako papalapit doon, sinilip ko pa kung sino ito at baka may napadaan lang ngunit tahimik na lamang ang buong lugar maliban sa kuliglig sa paligid, yumuko ako para tignan ang itim na kahon saka ako bumaba para kunin ito at sa pagtayo ko naramdaman ko ang bahagyang bigat nito at kung anong laman nito sa loob. May nag-uudyok sa ‘kin na buksan ito kaya wala na akong nagawa kundi buksan na nga. Napakunot-noo ako nang makita ko ang laman nito, may nag-iisang litrato roon, family picture namin noong bata pa lamang ako, may kung ano na namang bumabagabag sa puso ko habang nakangiti ang mga magulang ko sa lumang litrato, habang tumatagal mas lalong bumibigat ang box sa mga kamay ko, binuklat ko pa ang laman nito, may tatlong sulat doon at itim na papel na naka-separate sa mga sulat na hindi nakalagay sa lumang sobre. Nakarinig ako ng kung anong ingay sa silid kaya agad akong napatakbo sa kusina at tinago sa isang compartment doon. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko nang pagharap ko sa kanya saktong pumasok siya sa kusina. Hindi ko na itago ang kaba ko kaya pinaningkitan niya ako. “Gising ka na pala?” Nagtataka niyang tanong. Napatango ako at ngumiti na may pag-aalangan, “oo, good morning, bakit ang aga mo nagising? Nagising ako sa uhaw bigla kaya ayon, okay ka lang?” “Nagising ako na wala ka sa tabi ko, akala ko kung ano nang nangyari sa ‘yo,” sagot niya. Natawa na lamang ako pero sa likod-likod ko inaalala ko ang kahon at mga laman nito. “Babalik na ba tayo sa manor?” Tanong ko na lamang sa kanya. “Oo,” mabilis niyang sagot, “doon na rin siguro tayo mag-almusal. HINDI na kami nagtagal pa at nakarating din kami agad sa manor, hindi ko na idala ang kahon ngunit kating-kati akong malaman kung ano ang nasa loob nu’n kaya kung sakaling magkaroon ako ng pagkakataon mamaya balak kong bumalik doon na hindi nalalaman ni Kalen, pagkapasok namin sa loob agad kong narinig ang pamilyar na boses na narinig ko sa panaginip mula sa likuran namin. “Andito na pala kayo, nakahanda na ang sasakyan ninyo dahil paparating na rin ang konseho para sa pagpupulong na magaganap ngayong araw.” Natigilan ako at sinugurong ito nga ang narinig kong boses. “Maraming salamat, Mare,” pagpapasalamat ni Kalen sa kanya. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko, dahan-dahan akong humarap sa direksyon ni Mare saka tinitigan siya, hindi ko na natago ang gulat ko nang makita siyang nakangiti sa amin saka sa ‘kin, hindi ako pwedeng magkamali, yung isang boses kay Kalen iyon. Naikuyom ko ang kamao ko saka naramdaman ko na lamang ang pag-akbay ni Kalen sa ‘kin. “Sandali muna kaming mag-aagahan at didiretso na kami sa bulwagan,” wika ni Kalen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD