Chapter 55

1565 Words
Chapter 55 DAMING tumatakbo ngayon sa isip ko habang nasa pagpupulong kami, mag-uumpisa na ang lahat at halos lahat ay kompleto na. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung unahin, ang pag-aalala ko tungkol sa kagagawan ko kaya nag-umpisa ang pagpupulong o ang narinig ko sa ‘king panaginip---hindi mawala na sa isip ko ang pinag-usapan nila lalo na’t alam kung sa kanila galing ang mga boses na iyon. Hindi ako mapakali at tulala lang ako sa tasang nakalapag sa unahan ko, wala siyang laman at katulad ko meron din ang lahat na nakahanda sa kanilang harapan habang nakaupo kami sa mahabang lamesa at nasa kanan ko si Kalen. Para akong maduduwal sa halo-halong emosyong nararamdaman ko, may humawak sa kamay ko kaya napasulyap ako sa kanya, hindi ko alam kung anong emosyon ba ang dapat kong ipakita sa kanya, ngitian lang niya ako ngunit dahan-dahan itong nawala nang mapansin niya akong parang wala sa sarili. “Euphrasia,” tawag niya sa ‘kin. Minsan lang niya ako tawagan sa una kong pangalan dahil madalas ay pinapaigsi lamang niya ito, may pagkaseryoso ang tono ng pagtawag niya sa ‘kin, hindi ko siya maramdaman ngayon kahit parang pinakalma niya ako. “Magiging ayos din ang lahat, may tiwala ako sa ‘yo.” Naningkit ako sa makahulugan niyang sinabi ngunit hindi ko nagawang itanong sa kanya kung anong ibig sabihin nito. “Matatapos din ang lahat.” Napansin niyang tahimik ako habang humihigpit na rin ang pagkakahawak ko sa kamay niya, magsasalita pa sana siya ngunit bumukas ang pinto sa bulwagan kasabay ng pagpasok ng tatlong miyembro ng konseho kaya lahat ay natahimik, naramdaman ko na lang ding bumitaw na si Kalen sa kamay ko at umupo ng maayos. “Maraming salamat at dumating na ang lahat,” pagbati ng nasa gitnang miyembro ng konseho. “Maligayang pagdating po,” sabay-sabay nilang bati sa tatlong konseho. “Mag-uumpisa na ang imbestigasyon natin sa simpleng paraan,” wika nitong lalaking may peklat sa mukha. Lumapit ang babaeng konseho isa-isa habang hawak niya ang isang tea pot, hindi ko alam kung paano nakasama ang bagay na iyon sa imbestigasyon? Isa-isa niyang sinalinan ang mga tasa ng mga bisitang naroon hanggang sa kaming dalawa ni Kalen ang sinalinan niya, pinakatitigan ko ang laman ng tasa, naamoy ko ang bango ng camomile na tsaang inihanda nila para sa amin, parang napupuno ng buong bulwagan na iyon ang amoy ng tsaa dahil mas nangingibabaw pa ito kesa sa ibang halamang naroon sa loob. Nang masalinan niya ang lahat, inilapag lamang niya tea pot sa lamesa hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit bigla akong kinabahan. ‘…revelare illud nostrae personae sordidum,’ muli ko na namang narinig ang bumubulong na hangin at wala akong magawa kundi ulitin ito sa isip ko. Naningkit na lamang ako nang dahan-dahan naging itim ang dating kulay brown na kulay ng tubig, nagkaroon ito ng latak na umaangat sa ibabaw at ilang insekto, nanlaki ang mga mata ko nang makitang lumang tasa ang nasa harap ko dahil napalitan na ito ng sira at para bang mababasag sa kalumaan nito. Dahil sa gulat nang may kung anong bagay ang lumalabas sa ibabaw ng itim na likido napatayo ako at napaatras sanhi para makuha ko ang atensyon lahat, nang tignan nila ang tasa ko laking gulat nila na iba na ito kesa sa kanila. “Balak ninyo akong lasunin!” Nag-histerikal na ako nang sulyapan ko ang tatlong konseho na parang wala lang sa kanila ang nangyari. Bumaba ang tingin ko kay Kalen habang gulat na gulat siya sa nangyari ngunit may gumuguhit na takot sa mukha niya, saka lang isa-isa nagbulungan ang mga bisita. Tumayo si Kalen nang lalapitan na niya ako, mabilis na napasulyap ako sa babae nang iangat niya ang kamay niya at nabasa ko na ang gagawin niya. Agad kong gumawa ng proteksyon ngunit mas malakas siya sa ‘kin nang maramdaman ko na lang na lumipad ako sa bulwagan, tumama ang likod ko sa kung anong bagay sa paghampas ng hangin sa ‘kin saka ako bumagsak sa sahig kasabay ng mga gamit na nakapatong doon. Na proteksyunan ko ang sarili ko ngunit nasaktan pa rin ako, nakangiwi at hindi ko man lang magawang makatayo kaya narinig ko na lamang ang boses nito nang magsalita siya. “Hindi ko akalain na gagawin ng isang Luna ang pandaraya sa kapwa niya kalahi para lang hindi matalo ang alpha niya na maaring magdala ng gulo at pagbagsak nito sa trono!” Anunsyo nito sa lahat. Muli ko na namang naramdaman ang enerhiyang dumadaloy sa katawan ko, sa pagkakataon na ito kakaiba na parang…gusto kong pumatay, gusto ko silang patayin sa ginawa nila sa ‘kin! Bakit hindi pumasok sa isip ko na maari nila itong gawin sa ‘kin? Hindi ko nakita ang mangyayari yon, masyado ako nagpakampante. “Alam mo ba ito, Mister Langston?” Dahan-dahan akong inangat ang ulo ko at nakita ako na lamang nakatitig si Kalen sa puwesto ko na para bang gusto niya akong lapitan ngunit may pumapagitna sa amin ang tatlong konseho. “Sabihin mo, Langston, ang totoo kung ayaw mong magkagulo tayo rito ngayon,” may pagbabanta na sa mga konseho. “Tulong,” bulong ko habang naroon pa rin ako at nakadapa. Hindi makapagsalita si Kalen, may alam ba siya? Alam niyang ako ang may gawa at may kakayahan ako na hindi ko maipaliwanag pero wala akong narinig galing sa kanya o ano pa man kaya mas lalong dumami ang tanong sa isip ko. “Contrarium vero revelare identitatum…” the lady chanted a latin words. Nanlaki ang mata ko nang alam niya kung paano gamitin ito ibig sabihin aware sila sa mahika na katulad sa ‘kin. “…imperium!” Sa huling pagbigkas niya sumabog ang lilac na ilaw saka ako umangat sa eri, doon ko lang nalaman na sa ‘kin ito nang galing, ito rin yong liwanag na nakita ko nong niligtas ko si Kalen kay Third, nanlalaki ang mga mata at napasigaw nang maramdaman kong may kung anong bagay ang humihigpit sa katawan ko para unti-unti akong mawalan ng hininga. ‘Tulong!’ Sigaw kong muli ngunit sa pagkakataon na ito’y sa isip ko na siya nagawa. Lalapit sana si Kalen ngunit agad na may pumigil sa kanya, ngunit sa lakas niya agad na nagbago ang anyo bilang puting lobo, isa-isa nagsipalitan ng anyo ang mga alpha at kasaping bisita sa konseho para pigilan siya. Ipinikit ko ang mga mata ko at sa pagdilat ko isang malakas na hangin ang sumabog sa bulwagan para masira ang salaming bintana at ang pagbukas ng pinto, nakarinig ako ng sigawan at ilang pagbasag pa ng mga kagamitan sa bulwagan. Hindi ko na maramdaman ang ginawa nila sa ‘kin kundi paghihigante, naghanda ang tatlong konseho ngunit inangat ko lamang ang mga kamay ko para gawan ng proteksyon ang sarili ko, bigla na lang lumabas ang puti at itim na lobo sa gilid ko at sumugod sa ilang gustong lumapit sa ‘kin para proteksyunan ako. Gumawa ako sa eri ng yelong sandata na bigla lang nagbuo saka ko pinaulanan sa mga ito, may ilang nakailag ngunit mas marami ang natamaan at may ilang natuluyan sa ‘king ginawa. Pinatilapon ko ang babaeng konseho sa simpleng pagkumpas ng kamay na agad niyang kinawalan ng malay nang tumalsik siya hanggang pinto ng bulwagan, sinunod ko naman ang may peklat ikuyom ko ang kamao ko na para bang iniipit siya sa mga kamay ko, napangisi ako nang unti-unti siyang manghina hanggang sa mawalan siya ng malay. “Tama na, Sia!” May sumisigaw sa gilid ngunit hindi ko siya napapansin dahil mas nangingibabaw ang emosyon ko ngayon, sobrang gulo ng paligid ko ngunit wala akong pakialam sa nangyayari at sa nagagawa ko. Tinitigan ko sa mga mata ang natitirang konseho na para bang hindi pa rin natatakot sa ‘kin, “somnum,” bulong ko saka siya bumagsak sa kinatatayuan ko. May humawak sa mga balikat ko dahil sa gulat ko agad akong humarap sa kanya at pinatilapon siya sa eri hanggang sa bumagsak siya sa sahig, saka lang ako natauhan nang makita si Kalen ay nanghihina habang pilit na tumatayo at inaabot ang kamay sa ‘kin. Nanglaki ang mga mata ko at dahan-dahang humupa ang galit para mawala ang enerhiyang yon sa pag-aalala ko sa kanya. Gusto kong lumapit ngunit natigilan ako nang makitang sobrang gulo at ang daming nakahandusay sa sahig habang naliligo sila sa sarili nilang dugo kaya pinigilan ko ang sarili ko. ‘Ikaw ang may gawa nito, Euphrasia, pinagtanggol mo lang ang sarili mo laban sa kanila kaya wala kang kasalanan,’ may boses na namang bumulong sa isip ko, hindi ko alam kung sinasabihan ko ba ang sarili ko ngunit alam kong hindi ito sa ‘kin, ‘lahat sila’y kalaban at walang ni isa sa kanila ang kakampi mo kahit ang nag-iisang pinagkakatiwalaan mo.’ “Sia, tama na,” malumanay niyang saway sa ‘kin, “umalis ka na habang wala pa sila.” Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naiwang nakatitig at lumuluha ako sa kinatatayuan ko. “Umalis ka na!” Muli niyang sigaw. Nanghihina ako, kinamumuhian ba niya ako? “Umalis ka na, Sia, alis!” “Ianuea magicae…” mabilis na dumilim ang paligid at hindi ko inaasahan kung saan ako dinala ng chant sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD