Chapter 56

1211 Words
Chapter 56 HINGAL na hingal ako at nakatitig pa rin sa wooden house kung saan kami namalagi ni Kalen nitong isang gabi bago kami bumalik sa Langston Manor, napasulyap ako nang makita ang dalawang lobong itim at puting hinihintay ang gagawin ko. Hindi nila ako ginagalawa o ano pa man at magaan ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa. Huminga ako ng malalim saka ako naglakad papunta sa bahay, huminto muna ako sandali roon saka ko binuksan ang pintong hindi naka-lock, dumiretso ako sa kusina hanggang sa makuha ko ang kahon sa pinagtaguan kong compartment. Binuksan ko ito kaya muli ko na namang nakita ang masaya naming litrato rito lalo na ang mga magulang ko. May mga date ang kada-sobreng naroon, kaya kinuha ko kung saan ang taong hindi pa ako napapanganak o manganganak pa lamang ang magulang ko nu’n dahil hindi may isang agwat ang taon nito sa mismong kaarawan ko. Nanginginig ang mga kamay ko kaya naupo ako sa sahig ng kusina habang sinusuri ang sulat na para bang pahina na pilit pinunit sa isang notebook o libro. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ng ama ko sa unang salita pa lamang. [Aziel Benjamin…] Maraming nangyari nitong nakaraang taon simula nang umupo ako sa Coventry of Cornelius High Priest ng paaralan na ito at pamunuan ang mga mangkukulam sa kanlurang bahagi. Maraming hindi nagustuhan ang pagbabago tinalaga ko at meron pa rin sumuporta. Buntis na si Emily at gusto kong ligtas siyang manganganak sa una naming anak, bilang isang ama hindi ko gugustuhin na mapahamak ang mag-ina ko lalo na ang anak ko sa mga kaaway, may mga gustong tumugis sa amin, ang matagal nang kaaway ng kalahi namin, ang mga lobo, kaya ang na isip ko na pag-ayusin na ang mga lahi namin lalo na sa sa tribo ng mga lobong nagbabantay sa Caroline, ang mga Langston. Sa matagal na panahon hindi nagkakaintindihan ang dalawang lahi na ito, marami nang nagbuwis ng buhay kaya ang gusto kong mangyari’y matigil na ito at gustong maintindihan ito ng Coventry… ‘Putol ang nakasulat o sinadyang putulin ang sasabihin niya?’ Namimilog ang mga mata ko at hindi makapaniwala ang aking nabasa, mangkukulam ang mga magulang ko? Gumagamit sila ng mahika kaya ba nagagawa ko ang bagay na iyon, kaya nagagawa kong makapagpalabas ng mahika? Nagagawa kong protektahan ang sarili ko? Isa-isa sumagi sa ‘king isipan kung paano ko napatay at nasaktan ang ilang bisita sa bulwagan dahil sa hindi ko na makontrol ang aking sarili, nagawa kong makapatay sa kakahayang ngayon ko lang nalaman na meron pala ako nito? Ano ba talagang nangyayari sa ‘kin? “Hindi ko maintindihan, hindi ko pa rin maintindihan…” bulong ko sa sarili ko. Agad kong tinago ang sulat sa kahon at tumayo, naalerto ako at ang dalawang lobong nagbabantay sa ‘kin nang makarinig ako ng mga yapak at para bang may bagong dating maliban sa amin. Magtatago na sana ako nang agad na pumasok si Dario sa kusina, nagkatitigan kami hindi namin kapwa alam kung sino ang dapat mauna sa amin para magsalita. Bumaba ang tingin ni Dario sa dalawang lobong nakabantay at sa kahon kong hawak. Sinuri niya ako saka nag-aalala nang makitang ang dungis ko at nanggigitata sa alikabok at sumalsik na dugo sa damit ko galing sa mga biktima. “Sia,” tawag niya sa ‘kin, “sumama ka sa amin, kailangan na nating umalis, alam ko marami kang tanong at handa kaming ipaliwanag iyon sa ‘yo lahat-lahat na kailangan mong malaman pero sa ngayon kailangan na nating umalis, bago pa man sila dumating,” may kaba at pag-aalala sa mga boses niya. Kosang nawala ng parang bula ang dalawang lobo saka ako lumapit sa kanya, inabot niya ang kamay niya kaya agad akong humawak doon at saka siya bumikas nang… “Ianuea magicae…” Binitawan niya ako nang makalipat kami ng ibang lugar at nakita ko na lang sila Nikita, ang asawa nito at ang binatang may ari ng antique shop kung na saan kami ngayon. Lahat sila’y napasulyap sa aming pagdating. “Mabuti na lamang at narito na kayo may madaling paraan para makabalik tayo sa Coventry kahit pa may spell protection ang lugar, may alam si Zyair, nakahanda na rin ang spell at ritwal sa likod para sabay-sabay na tayo,” paliwanag ni Nikita saka siya lumapit sa ‘kin, napasulyap siya sa hawak kong kahon at muling sumulyap sa mukha ko na para bang alam na niya ang nangyari sa ‘kin, “kailangan na nating umalis bago pa man sila dumating,” hahawakan na sana niya ang kamay ko nang tabigin ko ang kamay niya. Nagulat sila sa ginawa ko at napaatras pahakbang. “Sia,” may banta ang pagtawag niya sa pangalan ko. “Hindi ako sasama hangga’t hindi ninyo sa ‘kin pinapaliwanag kung sino ako at ano ang nangyayari, bakit meron ako nito? Alam ba ninyo?” Isa-isa kong tinignan ang mga mukha nila at nababasa sa mga mukha nila na may tinatago sila…matagal na. “Sia, wala tayong panahon sa ganito---” hindi ko pinatapos si Nikita. “Aalis ako rito hangga’t hindi ninyo sa ‘kin napapaliwanag ang totoo! Dario, Nikita, ano ba talagang totoo?” I am desperate to know kung ano nga ba talaga ang totoo. Umabante si Zyair sa direksyon ko pero may ilang metro pa rin ang layo niya sa ‘kin. “Kung iyon ang gusto mo, binibini, masusunod.” Hindi ko inaasahan na sasalungat siya kila Nikita. “Zyair!” Sigaw ni Nikita. Humarap si Zyair na may kampante pa rin sa nangyayari, “anak siya ng dating high priest, siya ang nakatakdang susunod sa yapak ng ama niya kaya may kaparatan siyang malaman kung ano ang hinihingi niya, kaya kailangan nating sabihin, may oras pa tayo,” paliwanag nito. “Bahala ka, Zyair, sa oras na mapahamak tayo at si Sia,” saka siya padabog na naglakad palayo sa amin si Nikita. Lumapit naman si Zyair at saka inabot ang kamay ko, “halika muna, binibini, ipapakita ko kung ano ang hinahanap mo.” Tumango lamang ako at hinatak ako paalis doon. “Tulungan mo ko, Dario, ‘wag ka lang tatayo riyan!” Sigaw niya hanggang sa makapasok kami sa isang silid habang nakasunod si Dario. Silid ata ito ng isang lalaki at may isang malaking kamang puti sa gitna. “Mahiga ka roon at saka ang ulo mo rito sa may paanan ng kama nakaunan,” paliwanag niya. Hindi ako sumunod at nakatitig lang ako sa kanya nang mapansin niyang hindi pa ako kumikilos napatitig siya sa ‘kin. “Medyo masakit ito, gusto mo pa ba?” Tanong niya. Hindi na ako sumagot at inalis ko na muna ang lahat ng takot ko. Nahiga na ako at sinunod ang sinabi niya, tumayo si Dario sa may nightstand at sa oras na mahiga ako hindi ko na maigalaw ang buo kong katawan habang nakaturo sa direksyon ko ang kamay niya habang bumubulong at nakapikit. Pumesto naman si Zyair sa uluhan ko saka tinapat ang dalawa niyang palad sa magkabila kong sintido, narinig ko na lang din siyang bumubulong at bigla na lang ako napasigaw nang maramdaman ko ang kakaibang sakit na gumuguhit sa ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD