Chapter 57

1706 Words
Chapter 57 LUMABAS si ama sa kakahuyan kasama si ina, ang pamilya ni Nikita habang karga ang batang si Dario, ilang hindi ko gaanong kilalang mukha, lahat sila’y nakasuot ng itim na cloak habang may ilang nakatago ang mukha nila bunggo ng isang hayop na may sunggay. Naghihintay ang tribo nang mga pack at lumabas si Kalen sa gitna ng mga kasama niya habang katabi niya ang isang katandaan na lalaki, parang matandang bersyon niya hindi nagkakalayo ang mukha nila na para bang pinagbiyak na bunga, may ilang nagbabantay na lobo sa grupo nila, seryoso ang mga mukha, ramdam ng kada-isa ang tensyon at maaring magkamali lamang ng kilos magiging sanhi ng gulo sa pagitan ng dalawang ito. Napansin kong may kalakihan na ang tyan ni mama na nakatago sa itim na cloak habang hawak ang nito na para bang piniprotektahan. “Magandang gabi sa lahat at sa pagdating ninyo sa usapan,” wika ni ama sa matandang Langston. Saksi ang bilog na asul na buwan sa pagkikita na ito nila sa gabing iyon. “Gusto rin namin ang kasunduan na sinabi ninyo, napapagod na rin kami sa gulo at away sa pagitan ng dalawang lahi, ngunit may gusto rin kaming sabihin para maniwala kaming totoo ang mungkahi ninyo na pag-aayos natin,” seryosong wika ng matandang lalaki na katabi ni Kalen. “Ano iyon?” Nag-aalangan si ama ngunit gusto pa rin niyang malaman kung anong gusto nitong mangyari. Sumulyap ang lalaki sa tyan ni ina saka siya bumalik kay ama, “ilang buwan na lang at mangnanganak na ang asawa mong si Emily, gusto ko sanang batiin kayo sa magiging anak ninyong babae…” Natigilan si ama at nararamdaman ko ang kaba niya nang malaman ng mga ito na babae ang unang magiging anak ng mga ito. “Maraming salamat, mister Langston.” “Bago kami sumang-ayon sa kagustuhan ninyo, pakinggan na muna ninyo ang kapalit na hinihingi namin,” saka niya nilabas ang isang pulang at manipis na pisi saka inabot kay Kalen, “kung totoo ang lahat na ito at hindi kayo tatraydor sa likod namin, gusto kong tangapin mo ang pisi na ito bilang regalo sa anak mong babae, sa oras matanggap mo ito pumapayag kang makipagkasundong ikasal ang anak mo sa anak ko sa oras na tumungtong siya sa tamang edad niya---” “Ano!” Gulat na gulat si ama. “Hindi ako papaya,” bulong ni ama habang nailing. Nagulat ang buong miyembro ng Coventry at naghahanda kung sakaling may hindi magandang mangyari sa pag-uusap na ito. “Hindi ko magagawang ipagkanulo ang anak ko sa inyo, wala siyang dapat pagbayaran, kaya hindi,” saka siya umiling saka humarang kay ina para protektahan ito. “Hindi pa ako tapos, Aziel, sa oras na tinanggap ninyo ang kasunduan matitigil ang gulo at poprotektahan namin ang lahi ninyo hangga’t hindi nasisira ang pisi sa pagitan nilang dalawa, ang anak mo at anak ko ang magsisilbing tulay sa pagtatapos ng gyera sa ating dalawa.” “Para ninyong gagawing hostage ang anak ko, hindi ito maari,” tutol ni ama. “Mabilis kaming kausap, Aziel, kung ayaw maari na kaming makaalis at maraming salamat sa pag-imbeta.” Ngunit may gumugulo sa isip ni ama. “Teka lang!” “Aziel, huwag naman ang anak natin,” saway ni ina nang pigilan nito ang mga Langston na papaalis na. Muling humarap si Mister Langston kay ama. “Pumapayag na ako,” nagpipigil si ama at nagtatalo na ang isip niya, “pumapayag na ako sa kasunduan, basta susunod kayo sa gusto kong mangyari.” Lumuluha na si ina sa likod ko at hindi makapaniwalang nagawa iyon si ama, nagulat sila Nikita at si tita Tabitha sa naging desisyon ni ama. Tumango-tango si mister Langston na para bang nakuha niya ang inaasam-asam niya. Naglakad si ama kila Langston nang huminto siya sa harap nito inabot sa kanya ang dulo ng pising hawak ni Kalen, naglakad siya papalapit kay ina, umiling si ama habang inaabot ang pising ayaw nitong tanggapin. “Sige na, Emily, magtiwala ka na lang sa ‘kin,” pagmamakaawa ni ama kay ina. Awang-awa at hindi rin alam ni ina ang gagawin niyang inabot ng nanginginig na kamay ang dulong pising hawak ni ama, nang makuha ito ina saktong nagliwanag ito hanggang patungo kay Kalen, naging kulay silver at ginto bago ito naglaho. “Ang usapan na ito’y naka-sealed na ibig sabihin lang ay wala nang gulong mangyayari ngunit sa oras na may isang gumawa o hindi sumunod masisira ang pisi sa gitna,” paalala ni mister Langston. *** “Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo, Aziel, sinugal mo ang coventry at ang buhay ng anak mo sa kasunduan!” Sigaw ng nag-iisa niyang kapatid na si Tabitha sa sobrang galit sa frustration sa naging desisyon ni ama nang makauwi sila sa Coventry, “hindi magugustuhan ng miyembro ito at ng konseho sa oras na malaman nila ito.” “Wala akong magagawa, gusto ko ng pagbabago!” Sigaw ni ama pabalik sa kanyang kapatid na babae. “Meron ka pang magagawa, alam ko na kung bakit ayaw sayo ng ilan sa kalahi natin, masyado kang ambisyoso, iniisip mo lang ang sarili mo! Ano na lang iisipin ng anak mo sa oras na malaman niyang ang ama niya ang naging dahilan kung bakit gugulo ang buhay niya sa hinaharap? Nilalamon ka na ng kapangyarihan at pagiging high priest mo kaya ka nagkakaganyan, pakiramdam mo kailangan mong maging magaling palagi! Hindi ito ang dating Aziel na nakilala ko, nagbago ka na!” Saka tumalikod si Tabitha bago pa man siya lumabas ng silid huminto na muna siya at nag-iwan pa, “hindi ako magsisisi kung kalabanin ka ng buong Coventry sa hinaharap dahil sa naging desisyon mo ngayon.” Litong-lito si ama at saka siya humarap sa direksyon ni ina habang umiiyak sa isang tabi, agad siyang lumapit sa asawa at saka lumuhod sa harap nito. “Emily,” saka niya pilit na pinupunasan ang luha nito, “makakasama ito sa bata.” Hindi sumasagot si ina. “Patawad, galit ka rin ba sa ‘kin? Patawarin mo ko,” pagsusumamo niya. “Pwede ka mang humindi, bakit ka pumayag?” Nasaktan si ama sa tanong na iyon parang pakiramdam niya nagpadalos-dalos siya. “Kaya naman natin siyang protektahan, pwede tayong magpakalayo-layo, pakiramdam ko napahamak natin si Euphrasia,” hikbing wika ni ina. Hindi na alam ni ama ang gagawin niya habang nakikitang umiiyak si ina. *** Sa pagkakataon na ito nakikita kong nagkakagulo ang kakahuyan kung saan unang nag-usap sila ama at ang mga Langston para magkasundo, samu’t saring nagkalat na dugo at mga bangkay sa paligid sa pagitan ng dalawang lahi ngunit mas marami ang nakahandusay mula sa mga Langston. Papasugod na si mister Langston at mabilis na nag-anyong lobong puti kaya ma na duguan na. Bago pa man siya atakihin mabilis siyang naglabas ng sandata gamit ang kapangyarihan niya, papalapit na ng anyo nang magawang ipatama lahat ni ama kay mister Langston ang mga espadang iyon sa katawan nito, bumagsak ang katawan ni mister Langston sa lupa at mabilis na nawalan ng buhay habang naliligo sa sarili nitong mga dugo. Natigilan ang lahat lalo na si Kalen bago siya tumakbo patungo sa ama niya, mabilis naman na tumakas sila ama kasama ang mga miyembro ng Coventry. *** Agad na kumuha si ama ng baril saka niya nilagyan ng mga silver bullet ang magazine nito saka sila nakarinig ng alulong sa di kalayuan, “ito na lang ang magagawa ko dahil wala na sa ‘kin ang mahika ko,” wika niya sabay lingon kila Nikita, “bago pa man tayo magkahiwa-hiwalay, gusto ko lang magpasalamat---” “Hindi ito ang oras, Aziel!” Saway ni Nikita. “Ipangako ninyo sa ‘kin na babantayan ninyo ang anak ko?” Para bang anumang oras mangingiyak na si ama dahil namamasa na ang mata niya. “Papalikihin pa ninyo si Sia, huwag kang ganyan.” “Alam na natin ang mangyayari sa amin, kaya mangako ka?” Huminga ng malalim si Nikita na para bang maiiyak na rin anumang oras, “nangangako ako at ang buong pamilya ko na babantayan namin si Sia hangga’t kaya namin. Tumango si ama saka ngumiti, “salamat…” Saka sila nakarinig ng ingay sa labas kaya lumabas sila roon para makita kung anong meron at sunod-sunod na putok ng baril ang aking narinig. *** Bumukas ang dalawang pinto ng kabinet kung saan ako nagtatago saka sumilay ang mukha ng binatang si Kalen, walang emosyon saka ako hinatak palabas doon, napalingon na lamang ako kila ama na nakahandusay at parehas na magkahawak ang mga kamay na naliligo sa sarili nilang dugo, hindi maintindihan ang nangyari saka ako nawalan ng malay nasalo naman ako ni Kalen kaya kinarga niya ako. Kasama niya ang mga miyembro ng tribo nila, saka pinapasok sila Nikita at asawa nito sa silid kung na saan kami saka pwersahang tinulak para mapasubsob sa sahig, parehas silang duguan at kapwa nanghihina ng asawa niya. Hindi sila makapaniwala na patay na ang mga magulang ko saka galit na galit na tumingala kay Kalen, “walang hiya ka! Paano mo nagawa sa amin ito? Ibaba mo ang bata, wala siyang kinalaman dito!” Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Nikita sa sobrang galit. “Unang-una wala akong balak saktan ang bata, pangalawa hindi ko ididikit ang mga kamay ko sa inyong mga traydor sa lahi namin at panghuli kayo ang unang bumali sa kasunduan, sino ang walang hiya sa atin ngayon?” Walang emosyon si Kalen. Naglakad siya papalapit kila Nikita at nilapag ang batang ako sa harapan nila Nikita, kinuha niya ang kamay ko at saka tinali ang dulo ng pulang pisi sa ring finger ko at hinawakan ang dulo nito ngunit sa pagkakataon na ito hindi siya nagliwanag ngunit agad siyang nawala, agad na kinuha ni Nikita ang batang ako at wala pa ring malay saka yinakap para protektahan. “Hindi siya magiging asawa kundi siya ang kapalit sa lahat ng ginawa ninyo sa pamilya ko, ang buhay ng batang ito ang ang tutubos sa lahat ng kasalanan ninyo sa amin, wala kayong magagawa kundi ang sumunod sa kasunduan,” wika ni Kalen kila Nikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD