Chapter 58

1129 Words
Chapter 58 NANG magising ako may humatak sa ‘kin para mapaupo sa kama, litong-lito at punong-puno ang emosyon ko ngayon sa ‘king nalaman, totoo ba ang lahat ng iyon? Hindi talaga kami ni Kalen sa isa’t isa? Inaalog-alog ako ni Dario para magising sa realidad at hindi ako gaanong makapag-focus sa sinasabi niya habang lumuluha ako hanggang sa maramdaman ko na lamang ang malakas niyang sampal, lumuluha ako ngunit nagawa kong mainis sa kanya dahil sa ginawa niya. “Sorry, kailangan na nating umalis, Sia, na andyan na sila!” Nagmamadali niyang sigaw saka ako hinatak paalis sa kama na iyon, halos madapa ako nang dumagundong ang buong lupang kinatatayuan ng yumanig ito kaya nabitawan ako ni Dario sa pagpilit kong balansihin ang katawan ko ngunit sumubsob pa rin ako sa sahig. Lalapit sana siya muli sa ‘kin nang pigilan ko siya. “Ako na!” Kaya tumakbo na siya palayo sa ‘kin ngunit hindi pa roon natatapos ang lahat. Nang mapasigaw ako sa biglang pagsabog at pagbagsak ng pader sa silid na iyon, isang malakas na hangin mula sa labas kaya agad akong tumayo nang makitang sirang-sira ang pader. Nasa labas ang mga lobo na galing sa Langston na naghihintay ng pagsugod mula sa amin, nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita si Kalen naglakad mula sa pinagtataguan niya, wala akong makitang emosyon sa kanya maliban sa pag-aalala at takot. “Praesidium!” Sigaw ko sabay tapat ng dalawa kong palad nang iangat ko ang kamay ko sa direksyon nila para makagawa ng proteksyon laban sa kanila, hindi sila makakapasok sa ginawa ko kung ayaw nilang malusaw ng buhay at masunog. “Sia,” tawag niya sa ‘kin na puno ng pagsusumamamo. Agad na lumapit si Dario at Zyair sa tabi ko habang hinahanda ang sarili nila sa biglaang atake. Kung dati gustong-gusto kong tinatawag niya ang pangalan ko, pakiramdam ko napakaespesyal nu’n, hindi ko maramdaman yung dati kong pagmamahal sa kanya, nanghihinayang ako pero mas nangingibabaw yung galit ko sa nangyari, sa ginawa niya sa mga magulang ko at sa ‘kin. “Huwag mo kong matawag-tawag sa pangalan ko, Kalen,” banta ko sa kanya. Sa galit ko parang ano mang oras gusto kong igante ang mga magulang ko sa ginawa nila. “Umalis na kayo kasama ang mga tribo mo kung ayaw mong ubusin ko kayo,” pananakot ko pa sa kanila pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ako lumuluha habang nakatitig sa kanya, I felt something strange inside me and in my heart na para bang hindi ‘to tama pero gusto ko pa ring ituloy pero may gumugulo sa isip ko, ibig sabihin ban ito mahal ko pa rin siya? Pero magkaiba kami, hindi kami dapat magsama. “Kailangan nating mag-usap…ng maayos at hindi sa ganitong paraan, alam ko nagsinungaling ako at hindi ko sinasadya iyon, nagawa ko yon dahil mahal---” “Huwag mo nang ituloy, Kalen, itigil na natin ito alam mo sa sarili mo na magkaiba ang mundo natin, nasaktan ka at nasaktan mo ko kaya patas na tayo, nakaganti ka na sa ginawa ng mga magulang ko sa ‘yo pwede bang itigil mo na, bakit ngayon mo lang sinasabi kung kailan mawawala na ang lahat?” “Walang mawawala, Sia,” namamasa at namumula na rin ang mga mata ni Kalen, “pakinggan mo muna ako please…” “Tama na, Kalen, maraming salamat sa lahat pero lalabas pa rin talaga ang tinatago nating sikreto, ayoko nang ipilit pa ang lahat kaya sana ganu’n ka rin,” hikbi kong wika sa kanya. Umiling siya na para bang alam na niya ang susunod kong gagawin. “Strepito!” Sa isang iglap gamit ang malakas na hangin tumilapon sila Kalen at ang mga kasamahan niya sa katapat na tindahan ng antique shop, inalis ko na ang proteksyon ko. “Halika na!” Hatak sa ‘kin ni Dario ngunit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naawa akong makita si Kalen na nakahandusay habang pilit pa rin niyang tumatayo habang nakatingin sa ‘kin na para bang ayaw niya akong mawala sa paningin niya. Gusto ko siyang lapitan ngunit kailangan kong pigilan ang sarili ko, kailangan naming lumayo sa isa’t isa. “Somnum,” bulong ko saka siya nawalan ng malay. Tumalikod na ako at napatangay kila Dario, nagpasikot-sikot pa kami hanggang sa makarating kami sa maliit na kusina kung saan may bilog na portal at naglalabas ito ng itim at berdeng liwanag na animoy nanghihigop, unang tumalon ang asawa ni Nikita at siya nang malaman niyang naroon na kami, paliit na nang paliit ang bilog na portal saka tumalon si Dario hawak ako kaya nadala niya ako sa pagpasok niya sa bilog. Para akong babagsak habang buhay at walang kamatayang itim na lugar nang makapasok kami roon, may mga gamit na nakalutang ang akala ko matatamaan ako ng isang piano ngunit kosa itong tumatabi bago pa man tumama sa ‘kin, nakapakalakas na hangin na sumasalungat sa amin ngunit may liwanag na papalapit hanggang tuluyang makalabas kami sa itim na iyon kung saan kami dumaan, mas lalong lumakas ang sigaw ko, malapit na akong bumagsak sa simentadong sahig hanggang sa ilang pulgada na lamang nang makita kong nakalutang ako roon sa eri at kamuntik nang bumagsak ang mukha ko at kung hindi mababasag ang bunggo ko sa lakas ng pagkakabagsak ko kung sakali. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko sa kabang nangyari na akala ko katapusan ko. May humatak sa damit ko sa likod kaya hinatak niya ako patayo, inaalalayan ko pa ang balanse ko nang makita kong nasa harapan ako ng isang lumang bahay, pamilyar ito at nakita ko na ito nong araw ng kasal kung saan ko nakita iyon. Bigla akong natakot na nagkalat at napapalibutan kami ng mga naka-cloak na itim at nakapatong sa mga ulo nila ang hood nito para maitago ang mga mukha nila, may ilang nakasuot ng maskarang bunggo galing sa mga hayop. Lahat sila nasa akin ang atensyon, agad na lumapit sila Dario sa tabi ko. “A-anong nangyayari?” Hindi pa rin mawala ang kaba ko. “Sinasalubong nila ang pagdating mo, Sia,” sagot ni Nikita, “kailangan na nating pumasok sa loob para maisara na ang proteksyon at hindi nila tayo mahabol,” paalala nito. Sumulyap ako sa direksyon niya kaya siya napasulyap din sa ‘kin. “Sa loob na tayo mag-usap, Sia, at alam kong marami kaming kailangan ipaliwanag at mga tanong na gumugulo sa isip mo,” dagdag pa ni Nikita, “kaya halika na.” Napasulyap ako sa lumapit sa amin nang abutan niya ako ng maroon na cloak na gawa sa madulas na silk, kinuha ko iyon at sinuot bago ako sumunod sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD