Chapter 59
HINDI ako sigurado kung anong makikita mo sa loob sa oras na sumama at pumasok ako sa lumang abandonadong gusali na yon, naglaan sila ng daan para sa ‘kin saka ako sumunod kila Nikita nang mauna sila sa pagpasok, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, nakakamangha, nakakalula sa oras na makapasok at makatapak ako sa marble floor ng animoy temple, muli akong napalingon sa pinasukan kong pinto na ngayo’y itsurang double door na ito na gawa sa matibay na mahogany wood, napupuno ng magagarang kagamitan na mala pang palasyo at mga salaming bintana, kung kanina’y gabi nang pumasok ako mula sa bintana matatanaw na umagang-umaga habang winter ang klima sa puti ng nyebeng nasa labas.
Dahan-dahan lumalaki na para bang buhay ang mga bulaklak na asul sa mga vase at may ilang papabuka pa lamang.
May pagkakaparehas ang Benjamin manor sa lugar na ito ngunit mas maganda at doble pa ang laki nito kesa sa mansyon ng mga magulang ko, maraming sinaunang at Victorian painting ang nakasabit sa pader, may ilang portrait ng mga seryosong tao at may ilang nakakatakot titigan. Nagkalat ang mga naroong naka-cloak na itim ngunit kitang-kita ang mga mukha nila at may ilang nagtatangal para ipakita ang kanilang anyo.
Nang tingalain ko ang kisame nakalutang ang chandelier na nagsisilbing ilaw sa buong lugar at nang tignan ko sa sahig may mga nakaguhit na mga pentagram at mga spell o kakaibang hugis na hindi ko gaanong makilala na para bang nagsisilbing proteksyon sa lugar na ito. Muli akong sumulyap sa unahan nang huminto sila Nikita sa tapat ng lalaking may matangos na ilong at naka-push back ang kanyang buhok habang maigsi ang cloak niya na abot hanggang bewang ang haba habang may hawak siyang baston at pulang singsing sa kanan niyang hintuturo. May suot siyang medalyon na ginto na nagsasabing hindi siya basta-basta nilalang sa lugar na ‘to.
‘Ngunit na saan nga ba ako?’
Nakakaramdam ako ng malakas na enerhiya mismo sa lugar na ‘to lalo na’t alam kong hindi sila basta-basta, katulad ko sila pero alam kong mas malakas sila sa ‘kin kaya kung gumawa man ako ng isang pagkakamali maari nila akong pagtulungan, ngunit kakaiba dahil hindi man lang ako natatakot sa malakas na pinagsama-samang enerhiya na yon sa lugar na ‘to.
Ngumiti siya sa ‘kin at nagbigay sya ng courtesy ng bahagya saka siya lumapit saka kinuha ang kamay ko para halikan ito, agad ko itong binawi nang lumayo siya sa ‘kin mabuti na lamang at hindi siya na offend sa ginawa ko.
“Maligayang pagbabalik sa Templar, binibining Benjamin,” wika niya.
Naningkit ako, “pagbabalik? Ngayon pa lamang ako nakakarating dito.”
“Maraming hindi pa alam si binibini kaya marami tayong kailangan ipaliwanag at sabihin sa kanya,” paliwanag ni Nikita sa lalaki.
Tumango-tango siya, “ganu’n ay matutulungan natin siya sa bagay na ‘to, ako nga pala si Fustino, ang tumatayong lider sa konseho at nagbabantay ng lugar na ‘to habang wala pa ang tagapagmana ni Aziel, ngunit sa maraming nagdaang panahon na nawala ka maraming nagbago at magbabago na naman ang desisyon pag napag-usapan ito dahil dumating ka at nakilala mo na ng dahan-dahan kung sino ka nga ba na tinago ng mga magulang mo.”
Biglang akong napaisip na, ‘bakit tinago ng mga magulang ko ang tungkol rito?’
“Alam kong marami tayong kailangan ipaliwanag sa kanya ngunit mukhang pagod ang binibini.”
Natigilan ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon, agad akong napatingala kung saan ito nang galing at sa may hagdan kung saan siya pababa, mas lalong hindi ako nakagalaw sa puwesto ko dahil ang alam ko patay na siya ilang buwan na ang nakakaraan, ngunit para siyang ayos na ayos pa rin siya at wala siyang iniindang sakit katulad nu’n na naging sanhi ng pagkamatay niya. Tuluyan siyang bumaba na hindi nawala ang tingin ko sa kanya.
‘Totoo ba ‘to?’ Iyon na lamang ang naitanong ko sa ‘king isipan, para bang nasa panaginip ka na anu mang oras maari kang magising at matatapos na lahat ng mga ito. It’s good to be true, hindi ko napansing lumuluha na pala ako habang lumalapit siya sa ‘kin at nakangiti na akala mo isang linggo lang kami nagkawalay.
Tinaas niya ang dalawa niyang kamay, mas lalong kuminis at bumata siya ngayon habang nakasuot siya ng eleganting bistidang abot hanggang tuhod at nakasuot ng cloak na itim na abot din hanggang siko lamang niya para maitago ang dibdib niya, dahan-dahan kumilos ang mga paa ko na para bang may buhay nang makalapit ako sa kanya agad akong napayakap, narinig ko ang mahina niyang tawa saka siya napayakap pabalik sa ‘kin.
Nakaramdam ako ng inis pero mas nangibabaw ang pangungulila ko sa kanya, pangungulila na may nag-aalalaga sa ‘kin, kahit na kaya ko na ang mag-isa iba pa rin ang may nagbabantay sa ‘kin, sobrang nakakalungkot nang malaman kong may sakit siya na naging sanhi bakit kami nagkahiwalay.
“Shhh…huwag ka nang umiyak, andito lang ako,” pagpapatahan niya sa ‘kin ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko kahit na anong gawin ko.
Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya, taas-baba ang balikat ko na para bang batang nagsusumbong sa kanyang ina at naghahanap ng kakampi dahil may kung sinong umaway sa kanya.
“Tahan na, andito na ako,” nakayapos ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong pisngi habang pinupunasan niya ang luha ko.
“Hindi ko pa rin maintindihan, bakit---paano?” Hindi ko matuloy-tuloy ang aking sasabihin.
Binitawan niya ako at hinawakan niya ang isa kong kamay, “halika na muna, nagugutom ka ba? Mukhang marami kang pinagdaanan nitong nakaraang araw, sabi ko na nga ba at magkikita rin tayo. Pinaglaruan ka nila dahil hindi mo pa masyadong kilala ang sarili mo, inabuso nila ang kahinaan mo lalo na ang mga Langston at si Kalen,” may galit sa boses niya kahit pa nakangiti siyang nakikipag-usap.
“Binabantayan mo ko?” Tanong ko sa kanya.
Tumango-tango siya, “hindi ka nag-iisa, Sia, binabantayan kita simula pa pagkabata mo, dito ka kabilang at walang makakapigil kung ano nga ba ang nakatakda sa ‘yo, ngayon sumama ka na muna sa ‘kin, gamutin natin ang mga sugat mo at kailangan mong lumakas kaya sasamahan kita, huwag kang matakot dahil ito ang iyong titirhan at pamumunuan.”
Litong-lito pa rin ako nang akbayan niya ako at alalayan sa isang hallway na hindi ko alam kung saan papunta.
---