Chapter 60

1204 Words
Chapter 60 “…medeor,” bulong ni tita Tabitha habang hawak niya ang pisngi ko at maidala niya ako sa silid para raw makapagpahinga ako, dahan-dahan nanumbalik ang lakas ko at isa-isa nawala ang mga galos ko sa katawan at ilang mga pasa. Saka niya ako binitawan at naupo sa tapat ng kama kung saan ako nakaupo rin, nag-aalala pa rin ang mga mata niyang nakatitig sa ‘kin, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na buhay siya. “Ayos ka na ba?” Tanong niya sa ‘kin gamit ang malambing niyang boses. Tumango ako bilang sagot, “gusto kong malaman na paano nangyari ang lahat ng ‘to, kung totoong buhay kayo? Bakit kailangan mong magkunwaring namatay? Bakit kailangan mo kong iwan? Pwede mo naman ipaintindi sa ‘kin at sabihin kung ano nga ba talaga ako?” Huminga ng malalim si tita, “maraming rason, Sia, isa na roon ang pagsubok, hindi natin maaring mag-shortcut ang dapat mong pagdaanan, kailangan mong makilala kung sino ka na ikaw lang mag-isa at matuklasan kung gaano ka kalakas…” kinuha niya ang kamay ko, “ang nagagawa mo sa ngayon ay kakarampot pa lamang kumpara sa kakayahan na meron ka na nang galing sa mga magulang mo, walang sino man ang maaring manghamak sa ‘yo, kaya mong ipagtanggol ang sarili mo sa isang pitik lang ng iyong daliri, Sia, marami kang kayang gawin.” “Ngunit bakit wala akong naalala na meron ako ng mga ito? Bakit wala akong maalala?” Ito rin ang paulit-ulit na tanong sa ‘king isipan. “Dahil nawala ka sa proseso na dapat sa murang edad ay alam mo na ang mga mahika, hindi ka pinalaki ng mga magulang mo dahil rito dahil alam nila ang nakatadhana sayong dapat mangyari, humingi sila ng tulong sa ‘kin na bantayan kita dahil alam na nilang mawawalay sila sa ‘yo, sinabi nilang ilayo kita lalo na’t mas delikado sa murang edad mo na malaman ang mga bagay na ito at baka hindi mo makayanan…at sinabi nila sa ‘kin na makukuha mo lang ang kakayahan mo sa oras na bumalik ka rito, kailangan mong mabuhay ng normal na wala sa paligid ng hiwaga, ngayon kailangan kong magkunwaring namatay para makabalik ka rito at ginawang dahilan ang mansyon na isa sa misyon mo, pero wala sa plano ang maikasal ka sa Kalen na iyon.” Natigilan siya at napabitaw nang tumayo siya para humarap sa salamin malapit sa bintana. Nakikita ko ang repleksyon niya, ang galit niyang mga mata kahit hindi siya magsalita nararamdaman ko ang tensyon at kakaiba niyang enerhiya, hindi ko alam kung bakit parang ang lakas niya? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla ako nakaramdam ng takot sa kanya? Tumayo ako at dahan-dahan tumabi sa kanya. “Kailangan mong makuha ang trono mo sa Templar na ito at kailangan nating maalis ang koneksyon mo sa kanila sa lalo na’t madaling panahon bago ka tumuntong sa festum…” muli siyag humarap sa ‘kin. “Hindi ko alam kung paano ko matatangal ang koneksyon ko sa kanya,” kinuha ni tita Tabitha ang kamay ko may ginawa siya at bigla na lang lumabas ang gintong lubid na nakatali sa kamay ko na siyang kinagulat ko. “Sa oras na maging kulay pilak ito hindi na natin magagawang maalis ito sa iyo at koneksyon mo sa kanya, or mas malala pang baka kunin kaya niya sa amin, maari ka niyang magamit para mapabagsak niya tayo, at alam kung hindi ka papayag lalo na’t sila ang dahilan kung bakit nawala sila Aziel na ama mo, mortal natin silang kaaway kaya wag kang magpapadala sa kanila lalo na sa kanya,” humihigpit ang pagkakahawak niya sa ‘kin. “Hindi ko alam kung paano,” wika ko. “Gagawa tayo ng paraan para mawala yan,” desidido talaga siya. May parte sa ‘kin na nag-aalangan akong gawin ang binabalak niya ngunit tama siya, isang pagkakamali na nagkakilala at nagtagpo ang landas namin ni Kalen, siguro nakatakda talaga kaming maging kalaban hindi para magmahalan, hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa pamilya ko sa ginawa nila. “Ngunit kailangan ko munang mamatay bago ako maalis bilang Luna sa tribo nila,” ulat ko sa kanya. Umiling siya, “siya muna ang mamamatay bago ka, Sia, yan ang tandaan mo kaya bukas na bukas gagawa tayo ng paraan.” NAGISING ako sa sunod-sunod na katok kinaumagahan, ayoko pa sanang gumising dahil sa pagod kung hindi lang dahil sa pagbukas ng pinto at may kung sinong naupo sa dulo ng kama para magalaw ito, dahan-dahan akong naupo habang kinukusot-kusot ko ang mata ko hanggang sa makita ko si Dario, umagang-umaga halatang gusto na niyang mangulit at doon ko lang din napansin ang enerhiyang nararamdaman ko katulad din kay tita, iba-iba ng lakas, malakas din si Dario ngunit mas nangingibabaw ang masigla niyang mukha kaya mas natatakpan niya ang malakas at maitim niyang kapangyarihan. Habang tumatagal mas lalo akong nagiging aware sa mga kapangyarihan na nakapaligid sa ‘kin. “Magandang umaga, sumabay ka na sa ‘kin sa agahan bago tayo sumama sa pagpupulong sa bulwagan oara sa festum,” yaya niya sa ‘kin na akala mo gusto ko nang umalis sa kama nong umagang iyon. “Gusto ko pang magpahinga, Dario, pwede bang mamaya na,” sabi ko habang nahikab. “Hindi pwede, kailangan ka rin doon dahil isa ka sa papasok sa festum.” “Ano ba iyan na festum na yan kasi kagabi ko yan naririnig kay tita?” “Ang festum ay isang tradisyon o festival na kailangan lahat ng mga nasa edad natin ay pumasok sa isang initiation pero…” Medyo nangamba ako na para siyang nag-aalangan niyang ituloy ang gusto niyang sabihin. “Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag, marami kasing nagbago sa Templar lalo na ang sinusunod na tradisyon simula nang mawala ang ama mo, narinig ko kasing may tutol sa pagdating mo lalo na’t Luna ka sa tribo ni Kalen, sinasabi nilang traydor ka, isa ang mga magulang ko sa matataas sa Templar, baka isa rin ako sa makakalaban mo sa posisyon mo bago makuha ang trono mo bilang high priestess,” nahihiya niyang paliwanag. Kaya pala para siyang nag-aalangan iniisip siguro niyang baka magalit ako sa kanya. “Pero wala akong interes sa trono,” mabilis kong sabi. Nanlaki ang mga mata niya at napasulyap sa ‘king bagong gising na mukha. “Seryoso ka ba dyan, hindi yan maari!” Umiling ako, “narito ako para makabawi kila ama at ina, para makuha ang hustisya sa pagkamatay nila, wala akong pakialam sa trono kaya kung ano man ang pinag-aalala mo huwag ka nang matakot walang mangyayaring away sa pagitan natin.” “Pero may mga tao rito na hindi papaya sa gusto mong mangyari, may ilan pa rin dito gustong maupo ka sa tronong nakalaan sayo, kaya halika na, sumabay ka na sa almusal ko saka tayo sabay na makikinig sa ulat nila sa bulwagan,” yaya niya pa rin sa ‘kin. Ngunit totoo naman ang sinabi ako, wala akong habol sa trono ngunit anong gagawin ko para maputol ang koneksyon namin ni Kalen?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD