Chapter 61
PAGKATAPOS ng agahan sandali muna kaming naglibot habang nagpapalipas ng oras, lahat ng mga mata nila nakatingin sa ‘kin at sinusubaybayan ang bawat kilos ko na para bang may hindi ako magandang gagawin o sadyang naninibago lang sila dahil may bagong dating sa Templar, kanina pa nagpapaliwanag si Dario sa mga rules and regulation sa lugar nang huminto kami sa tapat ng isang fountain, may pakpak ang estatwang animoy taong binuhusan ng simento sa perpektong pagkakakurba nito, nakabuka ang kaliwa niyang pakpak habang bali na ang kanang parte ng pakpak nito, kulutan ang buhok niya habang nakasuot ng armour at nakaturo sa tubig ang espada nitong hawak habang nakatingala ang mukha nito sa kisame.
Patuloy pa rin ang paglagaslas ng tubig sa fountain at kumikinang ito dahil sa sinag ng araw na pumapasok mula sa salaming kisame. Doon ko lang napagtanto na kakaiba ang lugar na ito, maliit man siya sa pang labas malaki siya sa loob at pakiramdam ko nasa iba kaming dimensyon.
“Baka hinahanap na tayo kaya pumunta na tayo sa bulwagan at siguro’y mag-uumpisa na rin,” yaya ni Dario.
Aalis na sana kami sa harapan ng fountain nang may isang babaeng humarang sa amin, hindi ko maramdaman ang enerhiya niya at para bang may bumabagabag sa ‘kin sa oras na ngumisi siya sa ‘kin, hindi siya tumitingin kay Dario kung hindi sa ‘kin lang.
“Good morning, siya ba yung sikat ngayon?” Mapaglarong tanong niya sa amin.
Napasapo si Dario sa noo niya saka siya napabuntong-hininga, “Hay naku, Miranda, may kailangan pa kaming asikasuhin kaya kung mang iinis ka mamaya na lang i-reserve ko ang sarili ko sa ‘yo.”
Kulutan ang kulay blonde niyang buhok, halos magkasing tangkad lang kami, may mga pikas siya sa mukha lalo na sa may ilong sa kaputian niya habang nakasuot ng all black na damit at wedge boots.
“Ang kapal ng mukha mo, Dario, andito ako para kay Euphrasia, pupunta rin ako sa bulwagan kaya magsabay-sabay na tayo---” hahawakan na sana niya ako nang hatakin ako ni Dario palayo sa kanya.
Ano kayang ginagawa ni Dario?
Biglang nawala ang ngiti ni Miranda sa kanya, saka lumabas ang inis niya sa amin para bang yon talaga ang totoo niyang nararamdaman lalo na sa ‘kin at nagkukunwari lang siyang nagagalak.
“Masyado ninyo naman pinoportektahan ang isang ‘to, hindi naman nga tayo sigurado kung talagang sa atin siya kampi, kasal siya sa alpha ng mga kalaban, sinong maniniwala sa inyo?”
Natigilan ako sa mga sinabi niya.
“Tumigil ka nga, Miranda, sinasabi ko sa ‘yo babangasan kita, nanahimik kami rito bigla kang mang iinis ng umaga namin, halika na, Sia,” sabi ni Dario hanggang sa lagpasan namin si Miranda.
Saka ako binitawan ni Dario, “sorry ah huwag muna lang pansinin yon, isa rin siya sa makakaharap natin sa festum at saka si Zyair, may ilan dahil anak sila ng mga anak ng may posisyon sa Templar.”
“Kung anak kayo ng mga matataas na opisyales sa Templar, anong dahilan para mag-stay pa ako rito, patay na ang mga magulang ko?” Huminto ako at saka humarap sa kanya na siyang paghinto rin niya.
“Si madam Tabitha, pumapangalawa siya sa high priest, pamangkin ka ni madam kaya possible kang mapapabilang sa festum,” sagot niya.
“Hindi ko alam kung anong gagawin ko,” yon na lamang ang nasabi ko.
Tinap niya ako sa balikat, “huwag kang mag-alala hindi ka namin papabayaan, may plano sila kaya magtiwala ka lang lalo na kay madam.”
Sandaling katahimikan saka niya ako binitawan, “halika na.”
Nasa tapat na pala kami ng bulwagan kaya sumunod na ako sa kanya, pagkapasok namin napupuno ng mga hindi ko gaanong kilalang mga mukha, sila Nikita at tita Tabitha lamang ang kilala ko. Para akong hindi makahinga nong oras makapasok ako sa loob, naroon na naman ang pakiramdam na-suffocate ako dahil sa mga titig nila.
Pagkaupo namin dumating sila Zyair at Miranda. Napasulyap silang parehas sa direksyon ko, si Zyair na may maaliwalas na mukha habang si Miranda na inis na inis sa ‘kin sa hindi ko naman alam ang dahilan niya.
“Mukhang maarin tayong mag-umpisa,” anunsyo ni Fustino nang maisara ang pinto ng bulwagan, “ngayong araw paplanuhin natun ang festum, may isang buwan pa natin aasikasuhin para maging perpekto ang festum hanggang sa makapili tayo ng maaring makaupo sa pamumuno ng Templar, at may apt tayong kandidado para rito.”
“Una sa listahan si Zyair Ford, pangalawa si Dario Roman, pangatlo si Miranda Cross at ang pang huli ang bagong dating na si Euphrasia Benjamin,” dagdag pa niya, “kung sakaling may tutol sa apat na ito maari na kayong mag-umpisa bago natin i-finalize ang lahat at ang larong mangyayari sa festum.”
Agad na tumayo si Dario kaya napasulyap kami sa direksyon niya ngunit parang wala lang ito kay Nikita, “ako po, gusto ko pang alisin ang pangalan ko sa kandidado sa festum.”
Napahawak si Fustino sa baba niya saka siya nagseryoso kay Dario, “ano ang maganda mong dahilan para bawiin ang pangalan mo sa listahan?”
“Hindi ko po kayang pamunuan ang Templar kung sakaling ako po ang manalo at pakiramdam ko wala akong karapat-dapat dito---”
Hindi pa natatapos si Dario nang magsalita si Zyair, “tumututol ako sa pagiging kandidado ko sa festum.”
Mas lalo akong nagulat, ito ba ang plano nila para sa ‘kin? Bakit pakiramdam ko magkakaroon ng gulo sa ginagawa nila, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko at napahawak ako sa armrest sa sobrang higpit sa nararamdaman kong kaba.
Mas nabigla ako nang tumayo si Miranda, “hindi ako makakapayag! Kahit kailan hindi ko aalisin ang pangalan ko sa festum, hindi ako papayag na matalo ng isang mangkukulam na ikinasal sa mga kalaban!”
Saka siya napasulyap sa ‘kin na para bang nakakadiri ako.
Nag-umpisa ang bulungan sa loob, hindi ko na kinakaya ang nangyayari, ang ingay sa bulwagan ay nakakasuka at nakakapanghina.
Agad na tumayo si tita, “hindi ko rin naman gusto ang nangyayari pero alam nating wala siyang alam sa tunay niyang katauhan, dapat nga’t magtulungan tayo dahil kung tutuusin hawak pa rin siya ng kalaban kailangan kumilos tayo na mabawi siya at mawala ang koneksyon nila.”
“Paano mo makakasigurong nasa atin ang loyalty ng bata?”
Hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan nila, napahawak na ako sa dibdib ko na naninikip.
“Kailangan nating maalis ang koneksyon nila bago mag-umpisa ang festum kung hindi maaring siya ang maalis sa listahan ng festum!”
May humawak sa kamay ko kaya napasulyap ako kay Zyair na humarang na sa gulo, napakaseryoso ng mukha niya at nag-aalala siyang nakatitig sa ‘kin. Hindi siya nagsalita nang hatakin niya ako, habang papalayo kami roon unti-unti rin bumibilis hanggang sa sumasabay na ako sa pagtakbo sa kanya dahil hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang sa makalabas kami sa Templar, para nga kaming nasa ibang mundo nang masaksihan ko ang kabuuan ng lugar.