Chapter 20

1190 Words
Chapter 20 BAHAGYANG nalito ako sa sinabi niya at bumitaw, “anong ibig mong sabihin?” Tanong ko, umayos ng upo habang nakatitig sa kanya at nakakunot-noo, “may alam ka?” Hindi siya nakasagot sa tanong ko at para bang nag-aalangan. “May alam kayo?” Muli ko na naman nararamdaman ang bugso ng damdamin ko at hindi maipaliwanag na emosyon. “Sia---” Pinutol ko agad ang sasabihin niya, “sagutin mo ang tanong ko, may alam ba kayo, matagal na ba? Bakit hindi ninyo sinabi sa ‘kin?” “Dahil alam namin na ganito ang magiging reaksyon mo, kung ano man ang sinabi ni sir Kalen sa ‘yo totoo lahat iyon, ito na ang oras para malaman mo ang katotohanan, katulad ng kwento sa ‘kin ng mga magulang ko, may malaking koneksyon ang mga magulang mo sa mga Langston, hindi lang naman kayo ang pamilya rin namin, tayo ang nagsisilbing tulay para manggampanan kung ano ba ang kailangan nila sa mundong ito, Sia, ito ang buhay mo…ang buhay natin.” Nararamdaman kong gusto niyang ipaintindi sa ‘kin ang lahat pero parang hindi matanggap ng utak ko o hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan? “Natatakot kami sa magiging reaksyon mo, Sia, pero hindi ibig sabihin nu’n naging sinungaling na kami gusto lang namin protektahan ang mararamdaman mo, kilala na kita bago kahit wala kayo rito dahil isa sa paalala ng mga magulang ko na bantayan kita sa oras na magkita tayo, kung nakatakda kang ipakasal sa alpha ng tribo nila, nakatakda kong mamamatay para lang mabuhay ka,” dagdag pa niya. Namilog ang mga mata ko sa ‘king narinig, kaya ba sunod-sunod ang nangyari sa kanya? Huminga ako ng malalim, puno ng pag-aalala ang mga mata ni Dario, naroon pa rin ang gasa sa braso niya at parang wala lang sa kanya ang nangyari nitong mga nakaraang araw. “Isa ka rin ba sa kanila? Lobo ka rin ba?” Napangisi siya sa tanong ko kaya bahagyang nainis ako. “Hindi, hindi ako katulad nila,” huminga siya ng malalim at tumayo. “Pwede bang iwan mo muna ako, gusto kong makapag-isip,” wika ko. May kung anong lungkot sa mga mata niya saka siya tumango, “sige pero kung may kailangan ka tawagin mo lang kami o ako, pupuntahan ka namin agad dito.” Saka niya ako iniwan mag-isa sa silid ko.   NASA bahay pa rin ako ng mga Langston, nagkukulong sa silid binigay nila sa ‘kin at nag-iisip sa mga bagay-bagay kung ano nga ba ang dapat kung gawin, hindi naman nila ako basta papaalisin dito at sa malamang hindi sila papaya sa kung ano man ang gugustuhin ko. Hindi pa rin ako nalabas ng silid at hinayaan na muna ako nila Dario na makapag-isip-isip dahil nalaman kung kinuha sila ng mga Langston para dalhin din dito at kahit pa paano’y mapatanag ang kalooban ko, pero mas mapapatanag ako kung hahayaan nila akong makaalis dito sa mismong probinsya. Alam naman nilang hindi ako makikipagkasundo sa kanila tungkol sa sinasabi nilang propisiya. Nakakaramdam na ako ng gutom dahil simula pa ako kahapon hindi nakakakain. Nakaupo lang ako sa kama habang nakasandal ang likod ko sa headboard, nahihilo na ako at nakakaramdam ng panghihina. Napasulyap ako sa pinto nong may kumatok mula sa labas. “Sia, hindi ka pa ba kakain? May dala ako para sa iyo, kung ayaw mo kaming makita kunin muna lang dito sa labas,” wika ni Dario mula sa labas at bigla na lang tumahimik nang may marinig akong kalansing sa may pinto. Nanghihina akong tumayo at naglakad patungo sa pinto. Pagbukas ko roon nakalapag na sa sahig ang isang tray ng pagkain. Kinuha ko ito at muling pumasok sa loob nang maisara ko ang pinto. Nilapag ko sa bilog na lamesa at naupo sa harapan nito. Hindi ko na inisip kung may lason o gayuma man ang pagkain ang gusto ko lang magkalaman ang sikmura ko. Para akong ginutom ng ilang araw kung kainin ko na parang pulubi kung ubusin ang sopas, tinapay at ilang nakahain doon para sa agahan. *** Nanatili pa rin ako sa silid at nakapuwesto naman ako sa may pinto ng balkonahe nakasandal naman ako roon. Napatayo ako nang marinig kong pilit niyang binubuksan ang pinto ng silid. Agad nilang nabuksan saka pumasok si Mare, iyong babaeng may pulang buhok, isang binata na blonde ang buhok at babaeng may maigsing itim na buhok habang nakasuot na choker. Pare-parehas silang nakasuot ng itim na cape coat. “A-anong kailangan ninyo sa ‘kin?” Natatakot kong tanong sa kanila. Lumapit ng bahagya si Mare sa ‘kin, “kailangan mong sumama sa ‘kin, kailangam mo rin magbigay galang sa paparating na bisita.” Napaatras ako, “ayoko nga, sino ka para utusan ako?” Magsasalita pa sana siya nang magsalita ang boses mula sa likod kaya sabay-sabay kaming napasulyap dito. “Hayaan na muna ninyo siya,” utos ni Kalen sa grupo. “Pero may bisita tayo at sa malamang kailangan siya para makilala siya,” pagpipilit ni Mare. “May oras pa para makapaghanda siya, iwanan na muna ninyo kami,” wika nito kaya walang nagawa ang mga ito at muling lumabas ng silid, pinasadahan pa ako ng mga nanlilisik na mga mata si Mare sa ‘kin, kaya natira na lamang kami ni Kalen doon. “Kung sino mang bisita iyan, wala akong pakialam kaya lubayan ninyo ako,” wika ko saka ako tumalikod. Hindi ko naman alam na lumapit pala siya sa ‘kin at naramdaman ko na lang may dumamping daliri sa likod ko kaya agad akong humarap at tinabig ang kamay niya. Nakaramdam ako ng kirot at hapdi saka ko lang naalala yung sugat na nakuha ko sa biglang pagsugod ng mga lobong itim kahapon sa mansyon. “Gamutin natin yan bago pa man maimpeksyon,” kinuha niya ang kamay ko pero sa pagkakataon na ito hindi ako nakipagtalo sa kanya. Hindi ko naintindihan ang sarili ko, nagpadala na lang ako hanggang sa maiupo niya ako sa dulo ng kama at umupo sa likuran ko. Teka lang! May mahika ba silang ginagamit sa ‘kin, hindi ‘to maari! Hinawakan niya ako sa balikat kaya gumaan ang pakiramdam ko at pati ang isip ko’y naging klaro. “Masakit pa ba?” Tanong niya habang may kung anong binabahid na ointment sa sugat sa ‘king likod. Ang bilis ng t***k nang puso ko, hindi ako nakaimik, nakikiliti ako at nagtataasan ang balahibo ko sa batok. May bahagyang kirot at hapdi pa sa tuwing nararamdaman ko ang malamig na gamot na pinapahid niya. “Gusto kong humingi ng pabor,” wika niya. Saka lang ako bumalik sa realidad, umatras ako at humarap sa kanya habang nakataas ang kilay ko. “Kaya mo ba ginagamot ang sugat ko kasi may kailangan ka,” inis kong wika. Para na siyang nauubusan ng pasensya sa ‘kin ngunit pili niya pa rin akong iniintindi, “hindi iyon, pero may darating na bisitang tribo galing sa kanluran at ikaw ang pakay nila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD