Chapter 21

1220 Words
Chapter 21 SABI ko sa sarili ko, hindi ako susunod sa kahit na anong iutos o kailanganin nila sa ‘kin, pero heto ako ngayon kasama sila habang hinihintay ang magiging bisita nila, malamig ngayong araw kaya kailangan kong magsuot ng patong na damit at coat, dahil sa lamig napakakapal din ng klima sa paligid lalo na sa kabundukan at kakahuyan sa likod lang ng mansyon ng mga Langston kung saan kami nakaharap para hintayin doon ang paparating na bisita. Binigyan nila ako ng bagong damit at coat ngunit hindi ko sila hinayaan na magsuot din ako ng itim na mga kasuotan katulad nila. Hindi ibig sabihin na humingi ng pabor si Kalen papayag na akong maging kaanib nila. Kailangan ko pang maghanap ng paraan para makaalis sa puder nila. “Sino ba ang hinihintay natin?” Tanong ko sa kanila, para naman kasing napakaseryoso nila at tahimik na naghihintay. Ilang minuto na rin kami roon at parang wala namang kakaibang nangyari ngunit natigilan ako nang mapansin kong mas lalong kumakapal ang hamog at usok mula sa kakahuyan, naningkit ang mga mata ko at mas lalong tinutukan ang atensyon ko roon hanggang may isa…hanggang sa dumami ang mga lobong kulay brown at gray mula sa kakahuyan. May mga tao rin na biglang lumabas doon o madaling sabihing mga katulad ng mga Langston. Kung seryoso ang mga Langston palagi mas seryoso ang mga bisita at hindi mo makikitaan na para bang masaya sila sa buhay nila. Ano mang oras handa na silang makipagsabakan ng laban sa sino mang susugod o maghahamon sa kanila lalo na sa isang lalaking nasa gitna nakasuot ng makapal na coat at may balahibo pa ng hayop sa hood nito. Malaki na ang katawan niya mas domuble pa ang laki nito dahil sa suot, siya ang pinakamatangkad sa kanila, kulot ang mahaba niyang buhok na para bang hindi na nasusuklayan ng ilang araw at may tatlong guhit na scars sa may kanang mata niya patungo sa ilong at bibig. Huminto sila sa tapat namin, katabi niya ang isang maamong mukhang babae na halos kasing tangkad ko lang, nakasuot ng coat na brown at may balahibong nakadikit sa hood nito. Naka-braided ang mahaba niyang buhok at namumula ang pisngi. Nagawa niyang ngumiti kahit pa hindi ako nagpapakita ng emosyon sa kanya. “Maligayang pagdating, ginoong William,” pagbati ni Tanda sa lalaking may malaking katawan. “Maraming salamat sa mainit na pagsalubong sa amin,” makapal din ang boses nito na para bang kontrabida sa isang action movie. “Walang anuman sa inyo at kami rin ay nagpapasalamat sa pagbisita ninyo,” wika ni Kalen. “Siya na ba ang nakatakda?” Napasulyap kaming lahat sa isang matandang babaeng katulad ni Tanda ngunit hindi pa naman ito gaanong matanda, kuba na ito, may hawak na tungkod na kahoy ngunit dilat pa ang mga mata niya at puros puti ang mga mata niya. Parang nakikita pa rin niya ako saka lumapit sa ‘kin, nasa akin na naman ang atensyon nilang lahat. Kinuha niya ang kamay ko, hindi ko alam kung anong gagawin niya, hanggang kailan kaya sila titigil sa kakasabi ng nakatakda? Hinarap niya ang kaliwa kong pulso, kisap-mata na may kung anong kumislap doon na hugis buwan, hindi maintindihang mga linya at tuldok. Muli akong napasulyap sa kanya na namamangha sa kanya. “A-ano iyon?” Tanong ko sa kanya. “Iyan ang tanda na ikaw nga ang nasa propisiya,” saka ako binitawan nito, “kailangan nilang malaman na andito na ang magliligtas sa lahat, ang magpapatahimik sa gulo na meron na naman sa atin, pero naniniwala ang ilan na may nakapasok na ibang grupo sa kada-tribo kaya tayo nagkakagulo na naman.” “Mas gustong kong manatiling sikreto muna sa ngayon ang bagay na ito,” biglang sabi ni Kalen kaya napasulyap kami sa kanya, sumulyap si Kalen sa mga mata ko, “hindi magiging ligtas sa kanya kung malalaman ng lahat, hindi natin sigurado kung sino ang kakampi nating tribo at baka malalaman pa ito ng mga kalaban.” Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kapanatagan sa sinabi niya. Nahiya ako at binawi ang tingin ko sa mga mata niya saka binaling sa iba ang atensyon. “Ngunit sa tingin ko’y alam na ng iba,” wika ni William. “Mas maganda nang kaunti pa lang ang nakakaalam,” wikang muli ni Kalen. “May gusto akong malaman ninyo,” sabi ni Mare, “may apat ng dalaga ang nawawala sa probinsya na ito sa oras na hindi pa natin masolusyunan ito bago pa man ang kasal baka sugurin tayo ng konseho at ng tagapagbantay sa element, hindi naman siguro natin gugustuhin na mangyari iyon sa atin.” “Bakit hindi na ituloy ang kasal?” Tanong ni Tanda sa lahat. Muling nanumbalik ang kaba ko at muling binalik ang atensyon sa kanila. Ito na naman po tayo! “Dapat matapos na muna natin ito bago natin masolusyunan ang suliranin at mas lalakas ang kapangyarihan natin dahil may basbas na tayo,” sambit ni William. Alam kong ako ang tinutukoy nila, sa tingin ko hindi ko na matatakasan ang tadhana na sinasabi nila pakiramdam ko na corner ako sa isang sulok at gawin ang hindi ko gusto. Pero… “Hindi pa ako handang tanggapin ang sinasabi ninyo,” bulong ko ngunit narinig pa rin nila. Agad na naglakad si Kalen kaya napatingala ako hanggang sa huminto siya sa tapat ko, para akong bata na gustong magsumbong sa magulang ko, hinawakan niya ako sa braso ko at hinarangan ang mga nakapalibot sa ‘kin. “Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo,” bulong niya sa ‘kin, “kung hindi mo pa kaya, ay ayos lang, halika na’t bumalik tayo sa loob.” Saka niya ako inalalayan papasok sa mansyon at iniwanan ang mga kasamahan niya. NAGING tahimik ang buhay ko pagkatapos nu’n, pakiramdam ko kinausap ni Kalen ang mga kasama niya na huwag na muna akong kakausapin. Nanatili na naman ako sa silid ko ngunit parang hindi ko gustong nakukulong ako sa iisang lugar. Hating-gabi na at wala nang masyadong ingay sa buong mansyon. Sumilip ako sa bintana, wala akong masyadong maaninag lalo na’t makapal na ang hamog sa labas. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyo. Lumabas ako at naglakad sa pasilyo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko hanggang sa nakarating ako sa isang hagdan, hindi ito ang main staircase at medyo madilim sa parte na iyon. Nakarinig ako ng ingay, boses na para bang nag-uusap. “…paano na tayo?” Tanong ng boses babae. “Alam ko pero gagawin pa rin ako ng paraan,” wika ng boses lalaki. Ayoko man mangilam ngunit binagabag ako ng kuryosidad kaya dahan-dahan akong bumaba. Natanaw ko ang anino mula sa mumunting ilaw doon, yumuko ako para masilip sa mga kahoy na railings. Sa una’y likod ng lalaki ang nakikita ko dahil nahaharangan niya ang nakasandal na babae sa pader hanggang sa maghiwalay sila, una’y namangha ako nang makita si Mare lalo na sa mga mata niya kung gaano niya ka mahal ang lalaking kahalikan niya hanggang sa makita ko kung sino ito…si Kalen? ‘Anong ibig sabihin nito?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD