Chapter 78 Kalalabas lamang nila Nikita sa madilim na kakahuyan, kasama ang anak at asawa nito. Nang matanaw nila ang mansyon ng mga Langston, naging mapagmasid at maingat sila sa posibleng pagsugod sa kampo ng mga kalaban. Ngunit hindi ng sila nagkakamali nang may mga ilang lobo na ang humarang sa kanila, pinalibutan ng mag-asawa ang takot na takot na si Dario habang maiiyak na ito ay matinding nakakapit sa laylayan ng damit sa kanyang ina. Tinaas ng dahan-dahan ang kamay ni Nikita na nagpapakita wala siyang intensyong manggulo kasama ang mga pamilya niya sa mga Langston, pinapakiramdaman ni Nikita ang mga lobo habang umaangil ang mga ito. “Ma…” animoy gusto nang umalis doon ng batang si Dario. “Hindi kami naparito para mangulo o maghanap ng away, nagpunta kami rito para dumulog at ma

