Chapter 79 Hindi pa rin ako makapaniwalang makikita ko sila Nikita at ang asawa niya, hindi ko lubos maisip, kaharap ko sila ngayon pagkatapos kong matanggal ang sumpa kay Kalen, “anong ibig sabihin nito? Paano kayo nakapunta rito? Bihag ba kayo nila?” Nag-aalala kong tanong ngunit nagdududa ako, hindi sila mukhang bihag na nakakulong at wala ring tali ang mga kamay nila, hinayaan lang kami nila Mia na magkausap. Nagkatinginan ang mag-asawa bago muling bumaling ang atensyon nila, “ “kailangan mo nang bumalik sa Templar bago pa man malaman na nawawala ka ngayon doon ng tita Tabitha mo,” utos ni Nikita. Umiling ako at huminga ng malalim, “bakit hindi na lang kayo sumama sa akin? Baka malaman nilang narito kayo, pero bakit ngayon na andito?” “Hindi pa ito ang tamang panahon, Sia, ikaw mi

