Chapter 70 MAY kinuha si Dario sa kanyang bulsa na maliit na butilya na naglalaman ng malapot na pulang likido sa kapal nito’y nagiging itim na saka niya binuksan ang kahoy na takip, nabigla ako nang iabot niya sa ‘kin, pinasadahan ko siya ng tingin habang nagtataka ako. “Anong gagawin ko dyan?” Habang nakataas pa rin ang isang kilay ko sa kanya. “Huwag mo naman basta-basta iaabot sa kanya ang mga anumang bagay sa silid na ‘to, mag-uumpisa pa lamang siya at walang alam sa ilang elemento lalo na kung delikado,” paalala ni Zyair. Kaya bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. “Ano ba kasi yan?” Pag-uulit ko. “Vetus Anguis est sanguis o dugo ng pinakamatandang ahas, makakatulong ito para walang mangyaring masama sa atin lalo na sa ‘yo sa pagbubukas at pagbabasa natin ng mga lumang mahika,

