Chapter 69 “Hindi ba pandaraya ang gagawin natin,” agad kong binawi ang pagkakahawak niya sa ‘kin saka ko binawi ang kamay ko sa kanya. Agad akong tumayo kaya sumunod din siya sa ‘kin, nakaramdam ako ng pagkahilo kaya muli niya akong inalalayan pero tinulak ko lang siya palayo, sa malamang hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ko. Tinignan lang niya ako saka ako tumayo ng maayos kahit pa may pananakit pa ako sa likod at ulo. “Bakit sa tingin mo lalaban ba si Miranda ng patas sa ‘yo? Paano kong kayo ang matira? Kilalang trickster sa mahika si Miranda sa buong Templar na nakuha pa niya sa mga magulang niya, mataas ang tingin niya sa sarili niya dahil alam niyang may ibubuga siya pagdating sa ganito, hindi lang sa larong ‘to maari mo siyang makaharap, sa tingin ko hindi papa

