Chapter 68 PUNO ng mga sugat ang mga braso niya, para siyang nalapnos lalo na ang ilang parte sa kamay niya na nangingitim at ang ilang daliri niya, may mga hiwa at sugat sa braso niya, may mga ilang galos at sugat din siya sa mukha. Hindi ko alam kung anong klaseng kinatatakutan o pagsusulit ang kinaharap ni Zyair sa likod ng pintong pinili niya. Nakahilata siya sa isang bakanteng kama sa infirmary wala siyang malay nang kunin siya at ilabas doon kaya pinuntahan namin siya. Ako ilang galos lang sa kamay at tuhod ang nakuha ko. Nagpapahinga rin kasama si Dario dahil nanghihina lang ako ng sobra pagkatapos ng pagsusulit, pumapangalawa siya sa maraming sugat na nakuha kay Zyair. “Huwag ka nang mag-alala magiging mabuti naman si Zyair, alam ko malakas siya at hindi ko alam kung anong nangy

