Chapter 67
WALA ako sa mood na sumali sa Festum kung hindi lang kailangan, ayos lang naman siguro ang hindi ako manalo? Kung andito ba sila ama, pipilitin ba talaga nila akong sumali rito? Marami pa rin akong katanungan sa isip ko at iilan lang doon ang nasasagot. Nasa proseso pa rin ako kung saan kailangan ko pang kilalanin ng husto ang sarili ko at kakayahan ko.
Ang bawat isa sa amin ay may sariling pinto at silid na papasukin para sa unang pagsusulit, naghihintay na lang kami ng hudyat ni Fustino para sa pagpasok namin at makaharap ang aming kinatatakutan. Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib ko, habang nakatapat ako sa pinto hindi mawala sa isip ko ang makahulugang paalala ni Nikita sa ‘kin bago ako magpahinga kagabi.
“Ang pagsusulit ay mag-uumpisa na, ito ang una sa tatlong pagsusulit na kakaharapin ng susunod na High priest o priestess ng Templar, sila Euphrasia Benjamin, Zyair Ford, Miranda Lucas at Dario Roman ang apat sa maswerteng napili galing sa matataas na pamilyang nagpapatuloy ng Templar ang papasok sa apat na pinto, ang kada-isa ay may kakaharapin na kinatatakutan nila sa buong buhay nila at kada isang pagsusulit na hindi agad makakalabas o makatatapos ay tatangalin at hindi na maari pang magpatuloy pa sa pagsusulit o hindi siya maaring piliin bilang susunod na lider ng Templar!” Anunsyo ni Fustino sa lahat.
Sinilip ko si Dario sa kanan ko, nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya agad siyang ngumiti kaya sinagot ko rin siya ng simple kong ngiti, naaninag ko sa di kalayuan si Nikita na nakangiti sa ‘kin na para bang sinasabi na kaya ko ito maliban sa anak niya at si tita Tabitha na seryosong nakatingin sa ‘kin.
Muli kong binalik ang atensyon ko sa pinto, hindi rin ako komportable sa suot ko dahil kailangan ko lamang magsuot ng maputi at manipis na bistidang pang ilalim sa cloak kong kulay pula habang nakayapak.
“Simulan na!”
Halos sabay-sabay kaming humawak sa doorknob at tinulak ang pinto papasok. Nang makapasok ako agad na kosang nagsara ang pinto ngunit bumungad sa ‘kin ang kumikinang na mga sinulid na nakaharang sa harapan ko.
May ilang boses akong naririnig pero hindi ako sigurado kung kanino ito.
“Dario! Zyair!” Tawag ko sa kanila ngunit walang sumagot pabalik kaya nagpatuloy na ako.
Inalis ko ang harang na mga sinulid na ginawang pinto pa bago ako tuluyang makapasok sa pupuntahan ko nang mabigla ako sa ‘king nasaksihan. Hindi ko pa nasisira ang harang na sinulid nang makita ko si Kalen at Mare sa gitna ng kama sa mismong wooden house. Dahan-dahan niyang hinuhubaran ni Kalen si Mare gamit ang ngipin niya sa may sleeve ng damit nito, nang makita ako ni Kalen puno ng pagnanasa para kay Mare ang nababasa ko sa mga mata niya, sumisikip ang dibdib ko.
“Totoo ba ‘to?” Tanong ko sa ‘king sarili ngunit hindi ko naman malaman ang totoong sagot sa katanungan na iyon dahil hindi ko na nagawa pang makagalaw sa puwesto ko.
Para bang dinudurog ng unti-unti ang puso ko at ilang karayom ang tumutusok. Hinalikan niya si Mare sa labi, ganu’n niya ako halikan ngunit hindi ko inaasahan na makitang ginagawa niya ito sa ibang babae, sa babaeng minahal niya ngayon o talagang mahal pa niya talaga si Mare? Ano ba ako talaga sa kanya?
Naikuyom ko ang mga kamao ko habang nakahawak pa rin sa mga sinulid habang isa-isa nagbabagsakan ang mga luha ko, hindi ‘to maari!
Agad na humiga si Kalen sa kama habang pumaibabaw naman si Mare habang hindi napuputol ang kanilang mga labi, para akong aatakihin sa puso, nababaliw ako sa ‘king nakikita, nag-uumpisa mapuno ng galit ang puso ko agad kong ipinikit ang mga mata ko.
“Hindi ‘to totoo, Sia, hindi,” bulalas ko sa ‘king sarili ngunit naririnig ko ang mga halinghingi at ungol nilang dalawa.
“Hindi!”
May kung anong bagay ang kumalabog malapit sa ‘kin kaya agad akong napadilat ngunit sa pagkakataon na ito nakita ko na lamang ang sarili ko na nakakulong sa luma at madilim na kabinet. Naamoy ko ang panis na dugo, gusto kong masuka kaya agad kong tinulak ang pinto at lumabas ako ngunit bumagsak ako sa sahig nang may matapakan akong malagkit sa sahig.
Nang makita ko kung ano ito, dugo…sinundan ko kung saan ito nang galing ngunit ito ang eksena kung saan namatay ang mga magulang ko para lang iligtas ako, muli na naman silang nakahandusay sa harapan ko, kaawa-awa, lalapit sana ako para alisin sila sa maruming silid na yon at halos dumikit na sa ‘kin ang nagkalat na dugo ngunit natigilan ako nang may humarang na puting lobo sa kanila para hindi ko magawang lumapit.
Pamilyar ang kulay lalo na ang asul na pares niyang mga mata na para bang sa mga tao, ang mga mata ni Kalen.
Umaangil siya na para bang galit na galit at ako ang gusto niyang isunod sa mga magulang ko. Dahan-dahan akong tumayo, gusto ko lang gawing yelo ang buong silid at unti-unti na itong naging yelo na para bang galing kami sa freezer, tumigas ang lahat ng bagay, dinampot ko ang dugong natuyo dahil sa yelo na kasing tigas ng isang sandata.
Mahigpit ko itong hinawakan sa kanan kong kamay saka ko tinapat ang kaliwa kong kamay sa kanya, punong-puno na naman enerhiya dahil sa emosyon ko, dahil sa galit ko. Hindi ko na naman maramdaman ang sarili ko kaya agad ko siyang pinalutang at pinabagal ang pagtibok ng puso niya. Sa pagkakataon na ito hindi ko na makilala lalo ang sarili lalo na kung sino ang kaharap ko.
Hinayaan ko siyang nakalutang eri saka ko naman pinalipad ang patalim na dugo na gawa sa yelong pinatigas na agad na tumarak sa puso niya tagusan hanggang likod niya, napakalakas na ungol ang aking narinig ngunit agad na nawala ang lahat pagbagsak niya, agad akong nakaramdam ng sobrang panghihina bigla ko na lang naalala ang pagsusulit, iika-ika akong lumapit sa pinto at pagbukas ko bumagsak ako sa sahig, nakakabinging ingay ang sumalubong sa ‘kin, nakakapit pa rin sa ‘kin ang dugo mula sa silid, hingal na hingal ako.
Nakita kong nakahiga si Dario sa gilid ng pinto, si Miranda na nakaupo at nakasandal sa pinto habang balot ng putik ang ibabang bahagi ng katawan niya patungo sa mga sapatos niya, inisnaban lang niya ako nang mapasulyap ako sa kanya, halata sa mga mukha namin ang pagod, isang pinto na lang ang sarado pa.
“Maligayang pagbabalik sa mga nakapasok sa susunod na pagsusulit, ngunit sa kasamaang palad tanggal si Zyair Ford sa susunod na pagsusulit!” Anunsyo nito sa lahat kasabay ng nakakabinging palakpakan at sigawan sa paligid.
Mas gugustuhin ko pang makapasok si Zyair kesa kay Miranda.