Chapter 66

1203 Words
Chapter 66 NANG makabalik ako sa Templar wala akong imik sa kahit na saan kahit pa bukang-bibig ng lahat ang tungkol sa festum na mangyayari sa susunod na linggo, sisang araw na akong nagkukulong at hindi nagpapakita sa kanila, mukhang alam naman nilang nakabalik ako ng ligtas at mas lalong alam na siguro nila ang tungkol sa pagkawala ng koneksyon naming dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ako yon, sa tuwing na iisip ko iyon, kung paano siya tumingin sa ‘kin dahil nasira ko ang tiwala niya na binigay sa ‘kin at hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang harapin. ‘Sia, alam kong na andyan, hindi namang habang buhay kang nakakulong dyan, may makakausap ka naman, andito ako para makinig,’ narinig ko si Dario sa isip ko at nararamdaman ko ang presensya niya na nasa labas man lang siya ng silid ko, ngunit hindi pa rin ako umimik. ‘Sia, labas ka lang kahit ngayon lang at saka ka naman magpahinga uli, sabi ni tita mo na wala kang gana kumain, dapat malakas ka bago mag-umpisa ang festum, kailangan mong bawiin ang trono na para sa ‘yo,’ puno ng frustration ang boses niya sa isip ko kaya nararamdaman ko ang emosyon niya na mas lalong nakakadagdag sa ‘kin, agad akong napahawak sa magkabila kong sindito at hinihiling na mawala ang kapangyarihang ito. Ayoko na nito kung ito lang ang kapalit, hindi ko hinihiling na magkaroon nito, bakit ako na andito? Bigla namang sumagi sa ‘king alaala ang sinabi ni tita Tabitha para mapasunod niya akong gawin ko iyon. “…kaya mong ipagpalit ang hustisya na para sa pagkamatay ng mga magulang mo kesa lalaking pinakamamahal mo na galing sa pamilya na mismong pumatay sa mga magulang mo? Sa tingin mo matutuwa sila sa ginagawa mo? Mabuti na lang at hindi ako katulad ni Aziel ngunit kung nabubuhay sila hindi ito ang gugustuhin nilang mangyari at baka itakwil ka pa nilang bilang anak, ikaw ang mag-isip kung ano ba ang tamang gawin, Euphrasia.” Nagtatalo na ang sarili ko, ngunit may punto si tita Tabitha, kahit kailan hindi pwedeng magsama ang tubig at mantika parang kami ni Kalen, kaya bakit ko pa ipipilit? “Ikaw na ang gumawa bago pa ang mismong Templar ang pumatay sa kanya, hindi mo magugustuhan ang mangyayari kung sila ang kikilos kaya kung maaga pa ikaw na ang gumawa, huwag kang mag-aalala tayong dalawa lang ang makakaalam nito, ngayon pa lang hangga’t kaya ko tutulungan kitang masolusyunan ito, mag-isip ka, Sia.” Kailangan ko pang magpasalamat kay tita Tabitha na hindi niya ako pinabayaan at kung hindi baka siguro kung saan din ako pulutin, malinaw na ang lahat na kailangan kong pumanig sa kanila at hindi sa pumatay sa mga magulang ko, pero bakit parte sa ‘kin na nagsisisi pa rin ako sa nagawa ko, nagagalit at nalulungkot ako sa naging reaksyon niya sa ‘kin. Ilang beses kong pinipikit ang mga mata ko hindi ko pa rin siya makalimutan, kailangan ko na siyang kalimutan. Tumayo na ako at umalis sa sulok kung saan ako nakatambay. Binuksan ko ang pinto nang makalapit ako, agad akong sinalubong ni Dario nang ngiti kahit na alam kung hindi naman siya masaya, napabuntong-hininga ako. “Hindi mo naman kailangan mag-aalala sa ‘kin,” wika ko. “Nalaman ko ang nangyari at gusto lang kita samahan kasi alam kung malungkot ka sa nangyari,” nag-aalangan siyang magsabi ng opinion na baka may masabi siyang hindi ko magustuhan. Umiling ako, “ayos lang ako.” Hindi na siya nagpumulit pa o kinulit, mukhang naiintindihan naman niya ako, “gusto mo bang maglakad-lakad? Mag-uumpisa na ang pagsusulit ng festum bukas.” Hindi na ako sumagot pa, tamang sagot ko sa alok niya ang paglabas ko ng silid at saka ko sinara ang pinto ng silid ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako nang makita namin si Miranda, aba! Ligtas nga siyang nakabalik sa Templar. Papasalubong siya sa amin habang suot niya ang pinakamaganda niyang ngiti na akala mo wala siyang ginawang kasalanan, alam kaya nila ang ginawa nito sa ‘kin na halos ikamatay ko na? “Nakabalik na pala ang makakalaban natin sa festum,” bungad niya sa amin. “Ha. Ha. Ang saya nga diba, Miranda,” sarkastikong wika ni Dario, “hayaan muna siya kulang lang yan sa pansin, kulang din kasi siya sa aruga at bakuna nong bata siya.” Hindi ko na lang sila pinansin lalo na si Miranda hanggang sa magkalagpasan na lamang kami, bumaba kami nang ikalawanang palapag ng Templar nang makita namin si Zyair, he sincerely smiled at me nang makita niya kami, katulad ni Dario isa man lang siya sa mga kakilala ko rito na mabait sa ‘kin at hindi ako tinatratong kalaban habang mag-uumpisa na ang Festum. Hinintay niya kami hanggang sa makalapit kami sa kanya saka siya sumabay sa paglakad hanggang sa makalabas kami, nang lumabas kami agad na lumutang ang mga gamit sa labas at mga tuyong dahon. Nararamdaman ko ang malakas na enerhiya na bumabalot sa Templar. “Handa na ba kayo? Mukhang handa na ata si Zyair,” pabirong ano ni Dario s akanya. “Hindi naman kailangan paghandaan, alam naman natin kung sino talaga ang karapat-dapat,” sagot niya saka lumingon sa ‘kin. “Bakit pinagpipilitan ninyong ako talaga?” Agad kong tanong sa kanya. “Dahil sa ‘yo talaga yon, at kailangan na mapunta yon sa ‘yo,” sagot naman ni Zyair. Hindi na ako dumagdag pa dahil sa ngayon ayoko munang isipin ang Festum. Oras na nang pahinga nang bumisita si Nikita sa silid ko mabuti na lamang at hindi pa ako natutulog. “Kumusta ka na, alam kong marami kang pinagdadaanan ngayon at alam kong ayos na lang na makaramdamn ng mga ganyan, hindi mo kailangan ipilit ang sarili mo na maging maayos,” agad niyang bungad sa ‘kin. Huminga ako ng malalim, para siyang na hininga mo pa lang alam na niya kung ano ang nararamdaman mo, malungkot akong ngumiti sa kanya, wala akong gaanong ginawa maghapon kundi ang sumama sa kila Dario ngunit parang pagod na pagoda ko dahil sa emosyon ko. Lumapit siya sa ‘kin saka niya ako yinakap at kinuha ang suklay sa may nightstand saka sinuklay ang buhok ko. “Salamat,” malungkot kong wika. “Masaya ka ba kung na saan ka ngayon? Ano ba ang nasa puso mo?” Tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, sa mga panahon na ito parang wala akong karapatan ipaglaban kung ano man ang nasa isip ko at gusto kong sabihin. Tumigil siya at tinignan ako sa repleksyon ng salamin. Hindi ko mabasa ang emosyon niya. “Kung may na-feel kang hindi tama, ibig sabihin talaga nu’n hindi tama, sundin mo kung ano ang kutob mo, Sia, mas maililigtas ka niyan kesa ang sumunod sa mga bagay na alam mong mali,” saka siya ngumiti, “magpahinga ka na at may importante ka pang ganap bukas, good night, Sia,” saka niya ako binitawan at lumabas ng silid. Iniwan niya akong napaisip sa sinabi niya sa ‘kin, anong ibig sabihin niya roon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD