Chapter 134 “Ang sagrado at sinumpang lugar ng os antrum, ang mga bantay na buto sa bundok na ito, ang lumang nilalang na nakatira pa noon sa Cleven City ang siyang tunay na Miram,” sagot ni Yuri na magpagkamangha at takot sa boses. Hindi maintindihan ni Sia ang ibig sabihin ni Yuri at wala siyang ideya kung ano ang Cleven City. “Pwede bang pakipaliwanag ng maayos ang ibig mong sabihin dahil hindi ko pa rin maintindihan,” wika ni Sia sa binata. Dahan-dahan lumapit si Yuri na nakatitig sa mga nakaukit na mga elemento sa kwebang bato. “Matagal nang natatago ang Cleven City kung saan mapayapang nabubuhay na malayo sa lahat at kahit na sinong nilalang. Malalakas ang mga os antrum, sagrado hanggang sa mamamatay sila’y ginagawa pa rin silang gabay ng mga ninuno natin at mga namatay na mga mat

