Chapter 88 AGAD silang nakahanap ng lugar na magiging tirahan nila at gagawin nilang bagong Templar, kasama ang mga sampung miyembro na kasama niyang magbabagong buhay sa Greenfield City na kalapit na siyudad ng Roseville City, isang luma at abandonadong gusali ang kanilang nahanap sa gabing ito para gawing tirahan, sa gabing iyon agad din nilang nahanap ang nagmamay-ari ng gusali, takang-taka na gustong bilhin ang limang palapag na gusaling matagal nang walang nakatira at para bang kailangan nang ipa-renovate. Kailangan nilang magpanggap na mayamang estranghero sa isang lugar, kahit natatakot sa kanila ang may-aring matandang lalaki wala itong magawa dahil nangangailangan din ito ng pera. “Sigurado na ba kayo rito?” tanong ng matandang lalaki na may katabaan ng tyan at panot na buhok.

