Chapter 87 KUMALAS si Kalen at Sia sa isa’t isa, hingal na hingal pa rin silang dalawa saka humarap si Sia sa mga ito, isa-isa tinignan at saka sumulyap sa wala nang buhay na si Nikita habang yakap siya ng kanyang asawa. Alam niyang ligtas na si Nikita sa kabilang buhay habang kapiling ang anak nitong si Dario. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Ako pa rin ang namumuno ng Templar, hahayaan ko kayong mamili na manatili sa pamumuno ko, kailangan ninyong sumunod sa ‘kin ang sumuway sa utos ko at sa bagong kasunduan sa Templar ay mapaparusahan katulad ng mga gumawa at nagpaumpisa ng sigalot na ito, ngunit maari kayong umalis, magpakalayo-layo at hahayaan ko kayong mabuhay ng masaya malayo rito ngunit siguraduhin ninyong hindi ko na kayo makikita,” matapang na paliwanag ni Sia sa lahat.

