Chapter 72 “Et oblinito locum,” bulong ko sa hangin para mabantayan ang silid ko at walang makaalam na lalabas ako ng Templar ngayong gabi, kung ito ang paraan para mabigyan babala ko sila Kalen, gagawin ko kahit pa nasa delikado akong pagkakataon, hindi ko gustong mapahamak ang buong tribo lalo na siya. Hinintay ko pang tumahimik ang buong Templar sa gabing ito bago ako nakapag-isip na umalis, kailangan ko pa ring mag-ingat kahit pa paano na walang makakapansin sa ‘kin, malaki rin ang pasasalamat ko kay Zyair na sinabi niya sa ‘kin ang tungkol doon. Huminga ako ng malalim bago ako muli umusal ng spell, “ianuae Magicae,” sa pagpikit ko agad akong yinakap nang kadiliman at sa pagdilat ko agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin at saka kadiliman sa loob ng kakahuyan. Nakarin

