Chapter 73 HINDI naging maganda ang nangyari kagabi, hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kay Kalen at sa mga kasama niya na gawa nila tita Tabitha. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon lalo na ang pagbababanta niya sa ‘kin, siya ba talaga ang tita na kinalakihan ko? Ang dami nang nagbago o ito talaga ang totoong siya? Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi at bigla rin nag-anunsyo na ngayong araw magkakaroon ng ikalawang pagsusulit kaya bahagyang masakit ang ulo ko. Habang naglalakad ako sa pasilyo pababa sa unang palapag, nakasalubong ko si Nikita, binigyan niya ako ng ngiti, alam kaya niya ang nangyari? Alam kaya niya ang ginawa ni tita o ang pagbababanta nito sa ‘kin? Lumapit ako nang tuluyan sa kanya. “Didiretso ka na sa pagsusulit na hindi ka man lang nag-aagahan?” Para siya

