Chapter 74 KAHIT na nanghihina ako nagawa ko pa ring mahawakan ang hawakan ng patalim na nakatarak sa sikmura ko, hindi ako maaring matapos sa ganitong lang, natatakot ako na baka lumala ang sugat na ginawa ni Miranda ngunit kailangan kong lakasan ang loob ko, ako lang ang makakatulong sa sarili ko, ako lang! Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras nang hatakin ko ang patalim sa sikmura ko kahit pa nasaktan ako ng sobra, mas dumami ang sugat na tumulo mula roon na ngayo’y nagkalat sa sahig, mabilis ko itong sinaksak sa paa muli ni Miranda, hinatak ito at sinaksak naman sa kanan niyang legs. Nagsusumigaw siya sa sakit at napabitaw sa ‘kin, nagmamanhid na ako at walang pakialam kung ano ng aba ang resulta nang mangyayari sa aming dalawa, sa akin. Inundog ko pa ang noo niya sa ulo ko para tuluya

