Chapter 75 TULUYANG bumukas ang pinto, agad na pumasok si Fustino na nakangiti sa ‘kin, sumunod si tita Tabitha sa kanya sa pagpasok at mukhang alam na nila ang resulta lalo na’t napakaaliwalas ang mukha niya. Na para bang ito na ata ang pinakamagandang nagawa ko, hindi ko na nakita ang ilang pumasok, nang makalapit si tita Tabitha hinila niya ako kaya binitawan ko nang maingat si Dario sa sahig at wala nang malay, sa kanya lang ako nakatingin habang yakap-yakap ako ni tita, may sinasabi siya ngunit hindi ko marinig. Lumuluha at wala na akong gaanong maramdaman habang nakatingin pa rin ako kay Dario, ano ba ang dapat kong maramdaman? Bigla na lang may lumapit sa kanya, humahagulgol, dalawa sila, saka lang naging malinaw nang makita ko si Nikita at ang asawa niya na humahagulgol para sa

