Chapter 64 W: R18+ BIGLA na lang nagliwanag ang paligid namin nang magsidatingan ang mga mahiwagang alitaptap, dinaluhan nila si Kalen, hindi ko alam kung anong gagawin nila pero agad kong ibinaba at inihaga siya ng maayos sa tabi ko. Mas lalo silang dumarami, unti-unti akong nakarinig ng mahinhing huni ng animoy kumakantang mga bata, sumasabay ang hangin kaya dahan-dahan lumalakas sa paligid namin ang simoy, tinulungan nilang gumaling si Kalen kaya nakatutok lang ako sa ginagawa nila. Pinpigilan kong hindi makatulog sa kanilang kanya pero habang tumatagal dahan-dahan humihilom ang sugat ni Kalen at nagbabalik ang dati niyang kulay. Kahit pa paano’y nawala ang kaba ko ngunit hindi pa rin siya nagigising. “Kal,” tawag ko sa kanya nang makita kong gumagalaw ang daliri niya sa kamay. Unt

