Chapter 63
“…sinasabi ko sa inyo gagamitin lang siya ng mga kalaban laban sa atin!”
“Hindi tayo sigurado kung sa atin ba ang loob niya? Ngayon pa lang natin siya nakasama, kahit pa sabihin nating isa siya sa atin may sarili na siyang paniniwala!”
“Hindi siya kasing galing ng ama niya, ng ina niya at lalo na ng kanyang tita Tabitha!”
“Wala siyang karapatan sa trono!”
Nang maidilat ko ang mga mata ko saka lang nawala ang mga boses sa ‘king panaginip, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko na para bang may takot sa isang bagay na hindi ko naman nakakaharap pa, agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok mula sa labas dahil nakabukas ang bintana, agad akong bumangon at madilim pa sa labas.
Ayon sa ayos ng bahay mukhang nasa mansyon ako ng mga Langston, agad akong lumapit sa pinto at sinilip ko ang hallway nang buksan ko ng bahagya ang pinto saka muli itong sinara. Tahimik ang buong lugar kaya ni-locked ko rin ito, agad akong lumapit sa bintana at sinilip kung makakalabas baa ko.
Wala ako sa ikalawang palapag ngunit may ilang metro ang taas nito bago ako bumagsak sa mga halamang nakatanim sa gilid ng wall, agad akong sumampa ngunit pag-upo ko napasulyap ako sa pinto nang makarinig ako ng mga kalabog.
‘Kailangan kong makabalik agad sa Templar!’ Sigaw ko sa ‘king isipan kaya nang mapansin kong magbubukas na ito wala sa oras na tumalon ako sa mga halamanan, napatili ako sa sakit lalo na nong matusok ako ng mga maliliit na sangga at tinik. Agad akong gumulong pabagsak sa lupa, kahit pa iika-ika at masakit pa ang katawan ko agad akong tumayo saka tumakbo palayo.
Agad akong pumasok sa madilim na kakahuyan, na tigilan ako nang may mapansin akong mga ingay at kaluskos sa paligid. Palinga-linga ako paligid habang hingal na hingal ako, paglinga ko sa harapan ko may mga aninong papalabas sa mga puno, napaatras ako at hinanda ang sarili ko ngunit mabilis na lumabas ang mga tao na galing sa Templar, naningkit ang mga mata ko lalo na nang makita ko si Miranda.
“A-anong ginagawa ninyo rito?” Tanong ko sa kanya.
“Nandito kami para iligtas ka mula sa kanila, naghihintay sila sa dulong bukana ng kakahuyan na ‘to habang wala pa ang mga Langston,” sagot niya.
Hindi na ako nag-alangan nang sumunod ako sa kanila, unang tumakbo ang mga kasama niya saka sumunod din si Miranda.
“Sia!”
Narinig kong may tumawag sa ‘kin mula sa likuran ngunit hindi na ako lumingon pabalik, para kaming nakikipagpatintero sa mga naglalakihang ugat ng puno sa kakahuyan na nakaharang sa aming daraanan. Malapit na kaming makarating sa dulo nang inabot ni Miranda ang kamay niya, nagtaka ako ngunit ginawa ko na lamang, agad akong napahawak sa kamay niya ngunit nang humawak ako sa kanya bigla na lang ako nakaramdam ng kakaibang sakit at dumaloy ang napakalakas na bultahe ng kuryente sa katawan ko.
“AHHHH!” Sigaw ko sa sobrang sakit.
Binitawan niya ako saka ako bumagsak pahilata sa lupa habang tumama ang likod ko sa ugat mula sa puno, hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang sakit, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, mas lalo akong natakot na kahit anong gawin ko ay wala pa rin akong magawa at maramdaman.
Narinig ko siyang tumawa ng sobrang lakas na para bang nanalo siya sa isang contest, may lumapit na dalawang lalaki kinuha nila ang kamay ko saka nila ako kinaladkad sa mas komportableng higaan. Yumuko si Miranda saka pinakita ang ngisi niya sa ‘kin.
Inis na inis ako sa kanya at gusto ko siyang saktan sa oras na makaahon ako sa sakit…ngunit paano?
“Kumusta, Sia? Nakakagalaw ka pa ba? Ang akala ko ba magaling ka at makapangyarihan para sa trono katulad ng sinasabi nila, eh hindi naman talaga! Hindi ka nababagay sa amin, ang akala mo ba magpapatawag sila para iligtas ka sa mga Langston! Hindi, Sia! Hindi!” Saka siya tumawa ng napakalakas.
Lumuluha na ako sa takot lalo na’t pinaglalaruan niya ng dulo ng patalim niya sa kanang braso ko.
“AHHHHH!” Naibuka ko ang bibig ko nang itarak niya sa nanghihina kong kanang braso, halos gusto kong magmura na para bang pinako niya ang punyal sa lupa kasama ang braso ko sa pagbaon nito.
Binitawan niya iyon habang nakatarak pa rin habang unti-unti na akong nanghihina, lalapitan pa sana niya ako nang may humagip sa kanya, sa sobrang lakas napapikit ako at pinotrektahan ang sarili ko, nang mawala sila nakita ko na lang ang puting lobo na nakikipaglaban kay Miranda, nanginginig akong kinuha ang patalim sa punyal saka mabilis itong tinanggal, hindi ko na maramdaman ang kanang braso ko.
May lalapit na sana sa ‘kin nang agad kong ginamitan sila ng kapangyarihan ko, sa sobrang galit ko nagagawa ko na ang ibang mahika na akala ko hindi ko kaya. Agad na nadapuan ng apoy nang biglang magsindi ang damit nila at mabilis na sumabog saka naging abo.
Ang iba naman ay pinalipad ko sa puno saka pinadikit doon nang dahan-dahan silang kinain ng katawan nito saka tumigas para hindi sila makawala. Hinang-hinga ako ngunit nabigla ako nang makitang may nakatusok sa puting lobo, nakahawak si Miranda sa sikmura nito saka tagusan na lumabas mula sa likod ng lobo ang puting yelong patusok.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Kalen ito bumagsak nang bitawan siya ni Miranda.
‘Hindi!’ Hindi na ako nakakilos sa kinatatayuan ko.
Para bang hindi ko na makilala si Miranda sa ginawa niya, nauubos na ang pasensya ko at agad akong tinakasan ng bait nang lapitan ko siya, agad pinaulanan siya ng mga dahon na galing puno na kosang naging patalim ngunit agad niya itong nailagan nang gumawa siya ng proteksyon niya.
Punong-puno nang galit ang naramdaman ko dahil sa ginawa niya, “hindi kita mapapatawad!” Sigaw ko ngunit bago pa man ako sumugod mabilis siyang gumawa ng portal niya at mabilis siyang kinain nito saka nawala ang proteksyong bumabalot sa kanya.
Agad akong napatakbo patungo kay Kalen na nakahilata, mabilis kong hinawakan ang patalim na nakatusok kay Kalen saka ito mabilis na nalusaw sa hangin, nanginginig ang kamay ko lalo na ang kaliwa kong kamay habang pinapahalata ko siya, nakapikit na ang mga mata niya habang namumutla ang mga mukha habang naliligo siya sa sarili niyang dugo.
“Kal,” tawag ko sa kanya habang pilit ko siyang ginigising ngunit hindi na siya nagibo.
Yinakap ko siya habang lumuluha ako, hindi ko makapaniwala sa nangyari, hindi ko gustong mangyari ito sa kanya, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ‘to habang wala siyang malay at…