Chapter 8

1408 Words

Chapter 8 NAKITA ko na lamang ang sarili kong tumatakbo sa kakahuyan, kakaibang kakahuyan at hindi ko alam kung paano ako napunta ro’n. Madilim ngunit tama lang para makita ko ang daan, puno ng mga lalaylay na vines ang mga puno sa paligid. Nakasuot ako ng puting pantulog habang walang saplot ang sumasakit kong paa dahil sa mga tinik at mabatong dadaanan sa kakahuyan. May mga boses akong naririnig, mga tumatawag sa pangalan ko kasabay ng malakas na tawa na nag-echo sa buong kakahuyan. Malamig…malamig sa pakiramdam ang makapal na hamog at hanggang sa may humila sa paa ko para bumagsak ako sa lupa. Paglingon ko sa paa ko ang mga vines sa puno ang may gawa, para sulang nagkaroon ng sariling mga buhay, isa-isa silang humahaba, pataas nang pataas ang pagpulipot hanggang sa pati ang mga kamay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD