Chapter 7
“Please lang,” para akong sirang kinakausap ang puting lobo sa harap ko at hindi ko naman alam kung maiintindihan niya ako. Sa sobrang histerikal ko mas lalong tumataas ang kabog ng dibdib ko, hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko kaya lumuluha na ako sa frustration.
Nanginginig na ang buong katawan ko nang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa direksyon ko, ‘mangyayari ba sa ‘kin yung nangyari kila papa at mama?’ Nagsisigaw ang tanong na ‘yon sa sarili ko at baka ito na nga ang katapusan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko sobrang pikit na natatakot ako sa gagawin niya sa ‘kin at mararamdaman kong sakit. Bakit nga ba ako bumalik dito? Ito na ata ang katapusan ko!
Ngunit ilang segundo akong naroon na wala pa ring nangyayaring kakaiba, unti-unti kong idinilat ang mga mata ko na may ilang layo na lang siya sa ‘kin ngunit wala pa rin siyang ginagawa sa ‘kin, napatitig ako sa misteryosong kalmado niyang mga pares ng mata na siyang pinagtataka ko, bakit kung makatitig siya parang pares ng mga mata ng isang tao? Para siyang aso na walang balak saktan ako na para bang naghihintay siyang hawakan ko siya ngunit hindi ko pa rin ginawa.
Nagtaasan ang balahibo ko sa batok at namilog ang mga mata nang makarinig ako ng alulong ng parang hayop sa malapit. Sobrang lakas na para bang nasa ilang sulok lang siya sa madilim na parte ng kagubatan. Para siyang na alerto at nagulat pa ako nang kumilos siya paatras. Ang akala ko kung anong gagawin niya sa ‘kin ngunit tumakbo na siya palayo hanggang sa lamunin siya ng dilim. Do’n lang ako nakahinga ng maluwag, napahawak ako sa dibdib ko dahil andoon pa rin ang kaba sa t***k nong puso ko at ngayon ko lang napansing pinagpapawisan ako ng malamig.
Kumilos na ako at naglakad palayo kahit na hindi ko pa rin sigurado kung saan ako papunta o palabas ng kakahuyan. Sa gitna na lang ng lahat nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
“Ang malas naman!” Sigaw ko kaya napatakbo na talaga ako at pinagdadasal na sana makalabas na ako sa kakahuyan.
Napatigil ako sa ‘king pagtakbo nang may mapansin akong nakahandusay sa lupa, hindi ako sigurado ngunit natatakot akong lumapit, para na namang may kung anong bumabara sa lalamunan ko, unti-unti akong naglakad hanggang sa maaninag ko na tao pala ang nakahiga sa lupa, napatakbo akong lumapit sa isang binata hanggang sa mamukhaan ko ito, halo-halong emosyon, nagtataka at nagulat kung bakit siya naroon?
May sugat siya sa mukha na galing sa kanang sintido niya na para bang kinalmot, nababasa na siya kaya nahihilamusan na siya ng putik lalo na ang mukhang mamahalin niyang damit. Pinulsuhan ko siya ngunit mahina ito, palinga-linga ako sa paligid para makahingi ng tulong.
“Tulonggg!” Alam ko imposibleng may makarinig kung na saan ako pero kailangan, “tulong! Tulungan ninyo kami!”
Hindi ko alam kung kasama ba namin siya sa hunting party at naligaw din katulad ko? Kung siniwerte ka nga naman may liwanag na tinapat sa mukha ko at pinangtakip ko ang isa kong kamay habang hawak ng isa kong kamay ang kamay niya.
‘Sa wakas!’ Sigaw ko sa ‘king isipan ko.
“Sia!”
Naidilat kong tuluyan nang ilayo nila sa mukha ko ang sinag ng flashlight nila. Lumapit si Dario sa ‘kin na sobrang nag-aalala ang mukha niya na para bang ano mang oras iiyak na nang makita ako.
“Sorry! Okay ka lang ba? Sampalin mo ko, pleases…sampalin mo ko, naku lagot ako nito kila mama, ‘wag mo kong isusumbong, may masakit ba sa ‘yo? Okay ka lang ba? May nangyari ba?” Bigla siyang natigilan na hindi ko masagot ang mga tanong niya dahil hindi ko rin alam kung anong uunahin ko nang mapansin niyang may hawak akong kamay kaya sinundan niya ng tingin niya at do’n ko lang napansin na pinagkukumpulan na ako nila, “OMG! Anong ginawa mo kay sir Langston?”
Napakunot-noo ako, “sino kamo?” Bigla akong nablangko sandali.
“Iyan, si sir Langston! Tumawag kayo ng ambulansya!” Sigaw niya sa mga kasamahan niya.
Mabilis kong binitawan ang kamay niya at nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa binatang wala pa ring malay, marami naman sigurong Langston dito, pero the way Dario reacts mukhang iisa lang ang pinatutungkol niyang Langston, ang top list person na may balak bumili ng manor!
***
“…nahiwalay ako sa grupo at naligaw sa loob ng kakahuyan, hindi ko kabisado ang lugar kaya kung saan-saan na siguro ako nakarating, officer, hanggang sa paghahanap ko ng daan pabalik nakita ko na siyang nakahandusay sa gitna ng daan at ‘yon lang po ang lahat ng pangyayari,” paliwanag ko sa pulis na medyo katabaan, wala nga siya sa uniporme at mukhang kagaling sa pyestahan sa bayan kung hindi niya suot ang tsapa niya, may pinindot siya sa phone niya nang matapos akong magpaliwanag dahil mukhang nirekord niya ang buong interview niya sa ‘kin tungkol sa insidente.
Hindi ko kayang sabihin ang totoong nangyari dahil kahit din ako’y hindi makapaniwala, kung pinaglalaruan lang ako ng isipan ko pero kahit sabihin ko sa kanila ang lahat, maniniwala ba talaga sila o baka isiping baliw lang ako sa pang batang kwentong ‘yon? Kaya pinaliwanag ko yung alam kung maniniwala sila. Kung sakaling ma-found out nilang hindi totoo ang lahat o may kulang saka ako aamin.
“Maraming salamat, binibining Benjamin, ngunit iimbetigahan pa ang lugar dahil ikaw ang main suspek sa nangyari kay sir Langston under observation ka pa rin,” wika niya.
Pagkatapos naming tumawag ng ambulansya para isugod ang Langston na ‘yon agad ding dumating ang police na si Mr. Roxas, mukhang malaking personalidad si Langston sa probinsya dahil kung paano magulat ang lahat sa nangyari na agad naman akong hinusgahan, kung paano siya tratuhin ng mga nurse nang ipasok siya sa ospital at para bang alam na nila ang gagawin pag sinabing Langston.
Huminga ako ng malalim, “wala pong anuman.” Saka siya siya nagpaalam at iniwan kami.
Sumugod naman ang mga magulang ni Dario habang ako’y puno ng potek ang damit ko, natuyuan na nang tubig ulan at pawis.
“Sinasabi ko na nga ba hindi ka talaga pagkakatiwalaan! Kaya hindi na kita binigyan ng kapatid dahil hindi ka marunong maging kuya!” Sigaw ni Nikita dahil sa galit niya sa nangyari at kay Dario nang mahiwalay ako sa kanila.
“Ano ba! Huwag kang maingay nakakahiya sa kanila, doon na lang tayo sa bahay,” nahihiyang wika ni Dario dahil nasa gitna mismo kami ng pasilyo at sa tapat pa ng silid ng binatang Langston.
“Tama na ‘yan,” saway naman ni mang Ryan sa asawa niya ngunit ayaw paawat ni aleng Nikita.
“Paano na lang kung may mangyaring masama kay Sia, naku ka talaga!” Saka siya napasabunot sa buhok niya. Napasulyap siya sa ‘kin, “hayaan mo kami muna kahit sandali,” para siyang maamong tupa kung makipag-usap at saka siya humarap muli kay Dario na parang galit na galit na tigre.
Napasulyap ako sa kanang pasilyo nang may mapansin akong papalapit na grupo sa amin, puros silang nakaitim at ang pormahan nila para silang mga model sa isang magazine na may sikat na brand ng damit habang mga naka-coat. Ang gaganda ng kutis at mga buhok nila na akala mo attend din ng magarbong party ng mga mayayaman. Hindi nila kami pinansin hanggang sa tuloy-tuloy silang pumasok sa silid ni Langston na siyang kinagulat ko hindi ko nagawa pang pigilan sila. Do’n ko lang din napansin na tumigil sila Nikita sa likuran ko.
Maya-maya lang ay lumabas na ng silid ang doctor na nagbabantay sa loob sa binata at mga nurse nitong tumingin. Sumunod na lumabas ay ang mga nakaitim na grupo habang hila-hila na nila ang kama ni Langston, nakahiga pa rin do’n ang walang malay na binata na nalinisan na ang mukha at sugat nito. Hinubad nong isang babae ang coat niya at ipinatong sa ibabaw nang kumot na gamit ni Langston.
Nagkatitigan kami kaya napansin ko ang matangos niyang mukha at brown niyang mga mata. Nabigla ako nang samaan niya ako ng tingin bago siya nag-iwas. Sinundan ko na lang sila ng tingin paalis.
“Anong gagawin nila sa lalaki?” Tanong ko kila Nikita.
“Nasa mabuting kamay si sir Kalen,” sagot ni mang Ryan.
Naningkit ang mga mata ko habang iniisip siya, ‘Kalen? Kalen Langston, iyon ba ang buong pangalan nong binata?’