Chapter 110 NARAMDAMAN ni Sia ang paghigpit nang yakap ng isang braso sa bewang at sa balikat niya para lalo siyang sumuksok sa matigas na dibdib. Bahagyang malamig dahil sa simoy ng hangin sa kakahuyan ngunit nararamdaman din niya ang mainit na katawan ng kanyang kayakap. Napadilat siya nang maalala ang nangyari kagabi, hindi siya lasing o ano pa man. Totoong nangyari ang lahat, dahan-dahan siyang umusog para makita ang binata na tulog pa, nakaunan ang ulo niya sa braso nito habang nakaunan naman sa bag niya ang binata. Hindi niya dapat maramdaman ito ngunit sa nangyari sa kanila mas lalo lang niya nararamdaman na para bang iisa si Kalen at Elrich. Dahan-dahan dumilat ang mga mata ng binata, naging alerto si Sia at agad na bumangon para hanapin ang mga damit niya. Agad siyang nagtago

