Chapter 109 NANATILI at nagpahinga na muna sila Sia sandali sa tabi ng isang malaking puno na may mababang taas kaya sumasayad sa lupa ang mga dahon nito para maitagoang nailalamig nilang katawan. Nasa gitna nila ang malaking itlog na kristal, yakap-yakap ni Elrich ang kanyang sarili at nakamasid lang sa itlog. Naikwento ni Sia kung ano ba ang buong pangyayari hanggang sa makita at magising si Elrich. “Nabasa na ang mga pagkain natin na baon ko nakalagay sa isang ego bag lang sa loob ng pagkain ko, hindi ko alam kung pwede pa nating kainin iyon,” wika ni Elrich habang yakap pa rin ang sarili. “Naiintindihan ko at saka okay lang ako, ikaw magpahinga ka na? Ako na lang ang maghahanap ng para sa atin---” Nabigla si Elrich kaya hindi niya pinatapos ang dalaga. “Hindi naman sa takot pero ay

