Chapter 108 PAGKAPASOK nila sa kakahuyan agad na nagbago ang klima sa loob nito, kanina lang ay maaraw at mataas na ang sikat ng araw ngunit sa loob makulimlim, mahangin, animoy may nagbabadyang malakas na bagyo, dahil sa lakas ng hangin bumabagsak ang mga dahon mula sa puno. Tinatagan ni Sia ang kanyang loob habang nakasunod si Elrich sa kanya at patuloy pa rin ang pagliwanag ng librong nakatago ngayon sa bag ni Sia na nagsisilbing guide para masabing nasa tamang lugar sila ngayon. “Ano bang susunod mong gagawin kung sakaling makabalik sila sa Templar?” binagsak ni Elrich ang katahimikan sa pagitan nila habang patuloy pa rin sa paglalakad. “Wala na siguro, makita ko lang silang ligtas at makabalik din ang mga kapangyarihan nila, ayos na rin sa akin yon, kung sakaling wala na silang pla

