Chapter 107 HINDI nag-aksaya pa ng oras sila Sia at Elrich, dinala nila ang dalagang si Tast at inalalayan hanggang sa makapasok ito sa loob ng Templar. Laking pasalamat na lang nila na abala ang lahat kaya wala gaanong nakapansin sa kanila. Maingat nilang pinaupo ang dalaga sa sofa, hinintay nila ang gagawin o sasabihin nito nang dahan-dahang alisin ni Tast ang suot niyang salamin, nanlaki ang mga mata ni Sia sa gulat na walang laman ang eye socket nito, blangko at nakakatakot na kadiliman kaya agad siyang nag-iwas. “May kailangan po ba kayo o nauuhaw po ba kayo para po mapaghandaan po kayo---” Hindi pinatapos ni Tast ang alok ng binatang si Elrich, “wala akong kailangan dito kundi ang mata ko na saan na iyon?” Natahimik naman ang binata at bahagyang nakaramdam ng pagkahiya. Napaluno

