Chapter 106 PANGITI-NGITI si Sia habang binababantayan ang estrangherong lalaking nakaupo sa kanyang harapan na naghihintay din sa nilulutong pagkain ni Elrich, natatakot man ang dalawa kailangan nilang gawin ito para makuha ni Sia ang kailangan niya. Siguro’y halos magkakahalating oras na silang naghihintay, ilang beses na niyang binigyan ng alak ang lalaki ngunit wala pa ring talab ito at hindi pa rin nalalasing. “Wala pa ba ang pagkain? Kanina ko pa gustong kumain,” wika ng amoy basurang lalaki. “Maghintay po kayo ng ilang sandali matatapos na iyon, syempre espesyal kaya kailangan pasarapin,” sabi naman ni Sia. “Kanina mo pa yan sinasabi at paulit-ulit na lang. Sabi ng kaibigan ko’y pagkakatiwalaan ang lugar na ito at masasarap daw ang pagkain mukhang hindi naman totoo,” akmang tata

