Chapter 105 PINAGTULUNGAN nila Sia at Elrich na maipasok ang bangkay ng dalaga. May mantsa pa ng dugo ang suot nitong damit na bistidang puti sa ibabang partem namumutla, malamig at naninigas na ang katawan. Inihiga nila ito sa may sofa ng sala saka nila tinakpan ng makapal na kumot para hindi gaanong mangamoy ang bangkay. Nag-asikaso naman ng gatas si Sia na pwedeng inumin ng sanggol na nilagay muna nila sa kama niya at nilinis ang marumi nitong katawan nang maingat. Kailangan pang bumili ni Elrich ng dedehan ng bata para sa gatas nito kahit pa malakas ang ulan at may kasama pang kulog. Walang alam sila Sia o Elrich sa pag-aalaga ng bata kaya maingat silang dalawa lalo na ang bata rito, nang bigyan nila ito ng maiinom na gatas saka lang ito tumigil sa pag-iyak at agad ding inantok. Pi

