Chapter 49 SAKA lang ako bumalik sa realidad nang may tumapik sa balikat ko, napaatras ako at bumilis ang t***k nang puso ko sa pagharap ko kay Mia, gulat na gulat din siya sa ‘kin may halong pag-aalala sa mga mata niya. “Ayos lang po ba kayo, binibini? Gusto na po ba ninyong umuwi? Namumulat po kayo…” nag-aalalang wika ni Mia habang hinahawakan niya ang nanginginig at nanlalamig kong mga kamay. Hindi ako makasagot at maka-focus sa kanya dahil si Kalen ang iniisip ko. “May hindi magandang nangyayari sa manor ngayon,” wala sariling wika ko sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” Nag-aalangan na tanong ni Mia. “Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag, biglaan ang lahat, hinahamon ni Clinton si Kalen para mapalitan ito bilang bagong pinakamataas na alpha?” Nagtataka kong wika. Nanlaki

