Chapter 50
W: Don’t read the Latin words loudly, translate or just skip it; it’s for your safety.
MAGHAPON ako nagkulong sa silid ko, nawalan na rin ako ng ganang maghapunan bago magpahinga at ilang beses din akong pagising-gising sa gitna ng pagtulog dahil sa kakaisip sa nangyari. Hindi ko na makilala ang sarili ko lalo na’t hindi ko na alam kung anong nangyayari sa ‘kin. Naalimpungatan ako nang bumaba ang kama ko nang may gumalaw mula sa likuran ko, naramdaman ko na lamang na may tumabi at yumakap sa bewang ko. Naamoy ko agad ang amoy niya at ang makisig niyang bisig. Nakapikit pa rin ang mga mata ko at nararamdaman kong humihinga siya sa batok ko.
Bigla na lang sumagi sa ‘king alaala ang nangyari kanina kung bakit ako nagmumukmok ngayon, nakita ko siyang kasama si Mare, ako dapat pinapasalamatan niya, hindi ba siya marunong umiwas? Alam naman niyang kasal na siyang lalaki tapos kung kani-kanino pa siya yumayakap? Ano na lang isipin ng iba kung sakaling iba ang nakakita nu’n?
“May problema ba?” Nag-aalala niyang tanong, “pwede naman tayong mag-usap…”
Hindi pa rin ako naimik.
“I’m sorry, maraming nangyari kahapon…” hinaplos niya ang gasa ko sa braso saka dahan-dahan itong hinawakan, “ayos ka lang ba? Huwag mo na sanang uulitin yon na wala akong pahintulot.”
Naidilat ko ang mga mata ko sa mga narinig ko, bakit ang lambot ko sa kanya? Bakit simpleng ganu’n lang niya napapawala niya ang inis ko? Pero hindi…hindi pwede, hindi ako pwedeng magpadala sa malalambing niyang mga salita! Muli kong ipinikit ang mga mata ko, ngunit napakunot-noo ako at nanlaki ang mata ko sa pagdilat kong muli nang maramdaman ko ang pag-trace ng labi niya sa likod ko na para bang nang aakit, naikuyom ko ang kamao ko at hindi alam kong magpapangap pa rin ba akong tulog o hindi. Nakikiliti ang buong sistema ko at nabubuhay na naman ang pamilyar na bagay sa katawan ko.
“Kal!” agad kong saway sa kanya at humarap sa kanya.
Ngumisi siya sa ‘kin.
“Anong nakakatuwa?” Inis kong tanong sa kanya muli niyang nilagay ang kamay niya sa bewang ko at mabilis ko itong inalis ngunit mukha siyang natutuwa sa inis ko sa kanya.
“Sabi ko na nga ba’t gising ka.”
“Paano ka naman nakakasiguro?”
“Nararamdaman ko lang,” simple niyang sagot.
Huminga ako ng malalim at hindi ko nagawang magalit ng husto sa kanya. Kahit nagagawa niyang ngumiti alam kung may nararamdaman pa rin siya, marami siyang pinagdadaanan ngayon, kosang kumilos ang isa kong kamay saka inabot ang buhok niya saka inayos ang bagsak na bangs niya.
“Kumusta ka na?” All of a sudden bigla na lang nawala ang galit ko sa kanya at nag-alala sa kanya.
“Ayos lang ako, Sia, nag-aalala ako para sa ‘yo, gusto ko lang magpahinga kasama ka…” ang akala ko may sasabihin pa siya ngunit he stopped his midsentence, hindi ko na siya pinilit pa at lumapit ako sa kanya.
Hinayaan kong ikulong niya ako sa bisig at maramdaman ang mainit niyang halik sa noo ko. Yumakap din ako pabalik sa kanya and I feel safe habang yakap niya ako, hindi ko namalayang napapangiti na pala ako.
Gusto ko na sanang bumalik sa pagtulog nang makaramdam ako ng kakaiba sa silid ko mismo, nakarinig ako ng animoy kakaibang ingay na para bang tumutuktok, kaya napabangon ako at ganu’n din si Kalen. Hindi lang pala ako ang nakakaramdam, saka magkaroon ng usok mula sa butas ng pinto sa terrace at doon din nang gagaling ang kakaibang ingay. Agad akong napatayo sa ibabaw ng kama habang siya nakatayo sa sahig.
“A-anong meron?” Bulong kong tanong at hindi na napansin ni Kale dahil nakatuon ang atensyon niya sa pinto ng terrace kaya napasulyap din ako roon, habang tumatagal mas lalong lumalakas, bababa na sana ako nang sawayin niya ako.
“Huwag dito ka lang,” saka niya hinila ang kamay ko at hinatak pababa ng kama.
Napasigaw na lang ako sa gulat nang mabasag ang salamin na pinto sa terrace, nagbagsakan ang mga piraso nito sa sahig kaya mas lalong lumakas ang pagpasok ng hangin sa silid mula labas, sobrang bilis ng pangyayari nang may kung anong bagay ang pumasok, isang itim na bagay, tinulak ako ni Kalen sa tabi kaya natamaan siya nito, nanlalaki ang mga mata ko nang makitang isang itim na tela ang lumulutang sa eri habang hawak ang leeg niya gamit ang buto-buto at naagnas nitong kamay.
Nagpupumiglas si Kalen hanggang sa masipa niya ito at mabitawan niya, bumagsak siya sa sahig kasabay ng mga gamit sa nightstand. Muli sana itong aatake nang makaramdam na naman ako ng kakaibang enerhiya sa katawan ko, bago pa man siya makalapit sa ‘kin may kung anong barrier o shield ang biglang pumagitna sa amin.
Bigla na lang sumabog nang dumikit siya at nagkaroon ng kakaibang liwanag. Hindi pa natatapos doon, kasabay ng abo niya bigla namang sunod-sunod ang pagpasok niya, gusto kong protektahan si Kalen hangga’t makakaya ko. Tumayo ako sa kama and I let that energy release. Ikinuyom ko ang mga kamao ko na hindi pa nila nagagawang makalapit ay isa-isa na silang sumabog.
“Strepito…” bulong ko at isa-isa sinag sumabog na para bang manipis na balloons sa hangin.
Dahan-dahan humihana ang enerhiya kasabay ng mawala silang bigla, nawala rin ang usok sa paligid ngunit naiwan ang mga abo nilang nagkalat sa buong silid, saka ko lang naalala si Kalen, napalingon ako sa kanya na nakasalampak pa rin sa sahig, hindi ko mawari ang nasa isip at nararamdaman niya. Saka ko lang napagtanto kung anong nagawa ko at paano niya nakita ito.
“Sia…”
Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba na hindi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat dahil kahit din ako’y nabigla wala pa ring ideya sa nangyayari sa ‘kin, pero nagugustuhan ko itong kakaibang bagay sa katawan ko ngayon.
Tumayo siya at lumapit sa ‘kin. Kinuha ang dalawa kong kamay saka niya ako hinatak paupo sa kama, “ayos ka lang ba?”
Nabigla ako sa una niyang tanong, hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya, hindi ko nagawang makaimik at yinakap na lamang niya ako na para bang ako ang nasaktan sa aming dalawa.
“Kailangan mo munang lumipat ng silid, doon ka na matutulog sa silid ko simula ngayon,” wika niya saka siya bumitaw sa pagkakayakap, bumaba ang isang kamay niya sa isa kong kamay at hinatak ako patayo.
“Pero paano ang kalat?” Nag-aalangan kong tanong.
“Huwag mo nang alalahanin yan,” sagot niya saka niya ako hinatak palabas ng silid na iyon.