Chapter 128 NANG maidilat ni Sia ang kanyang mga mata agad siyang bumalikwas ng bangon, ang lakas ng kalabog ng dibdib niya nang maalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay, naramdaman niya ang talahib na kinauupuan, agad siyang napaatras sa gulat sa pader na sinasandalan nang makita niya ang mga lobong nagbabantay sa animoy sildang pinagdalhan sa kanya. Namimilog ang mga mata niya lalo na nang makitang nanlilisik ang mga umiilaw nitong mga mata sa dilim. Huminga siya ng malalim at gagamitin niya sana ang kanyang kapangyarihan ng hindi niya magawa, may kung anong pwersang naghaharang sa kanya sa loob ng silda na hindi magamit ang kapangyarihan niya laban sa mga lobong nagbabantay sa kanya. Napasulyap siya sa hagdan nang may bumaba roon, napatayo siya at tinitigan ang mga mukha nito

