Chapter 129 HINDI pa rin makapaniwala si Sia sa mga nangyayari sa paligid niya at lalo na ang kasal para sa kanya. May kung anong kaba ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon, hindi mapakali, inaayusan siya ni Yannie sa buhok at simpleng ayos lang sa mukha. Pinagsuot siya ng itim na bistida na abot hanggang tuhod at may belong itim para maitago ng bahagya ang mukha niya. Ilang beses na siyang huminga ng malalim dahil sa pag-iisip. Tinitignan lang niya si Yannie sa salamin na kaharap nila habang tinatapos ang bulaklak sa ibabaw ng ulo niya. Sumilip si Yannie sa salamin para makita siya nang matapos ang pinakahuling detalye sa itsura niya. Hindi nga rin niya maintindihan ang sarili kung bakit wala sa sarili niya ang pagtutol o pagpigil sa kasal. Isang malaking kasalanan at pagkakamali sa

