Chapter 42
KUMAGAT na ang gabi habang tumatagal mas lalong nagwawala ang puso ko sa dibdib, ang dami kong tanong, tinitimbang ko kung tama ba itong magiging desisyon ko, ngunit pakiramdam ko nauubusan ako ng oras dahil dumating na ang gabi ngunit habang paparating ang gabi kaninang hapon bigla na lamang nawala si Kalen, hindi ko alam kung ano ang proseso ng tradisyon na sinasabi niya, lumabas ako ng kubo at napatingala saka ko nakita ang sumisilip na buwan sa makapal na ulap sa madilim na kalangitan.
Unti-unti siyang sumisilay sa kalangitan hanggang sa magliwanag ang buong lugar dahil sa sinag ng buwan hanggang sa makarinig ako ng atunggal sa di kalayuan, napalingon ako sa direksyon kung saan ito nang gagaling, una kong na isip si…
‘Kalen…’ hindi ko alam kung bakit siya ang unang pumasok sa isip ko at bigla na lamang ako nakaramdam ng kaba sa pagbilis ng t***k nang puso ko.
Napasulyap ako sa direksyon ng mga kaluskos, hindi ko alam kung bakit na curious ako habang papalapit ako sa kumpulan ng mga dahon, napaatras ako nang lalong gumalaw ito ng sobrang bilis at para bang may ungol na nang gagaling doon. Nagulat na lamang ako na may lumabas na kamay doon kasabay ng pagkalampag nong may bumagsak, napatakbo ako nang makilala ko kung kanino ito, nahihirapan man ay nagawa ko siyang hilahin paalis sa mga halamanan.
“Kalen, ano ba! Bakit ka na andyan!” Singhal ko nang mailabas ko siya.
Namilog ang mga mata ko nang maramdaman kong napakabilis ng t***k nang pulso niya, nanlalalaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko, bigla siyang tumingala at hinatak ako papalapit sa kanya. Nagkaharap ang mga mata namin at nabigla ako sa nakita kong namumula ito. Bumuka ang labi niya na lalo kong kinagulat na may pangil siya.
‘Anong nangyayari sa kanya?’
Pinikit niya ang mga mata niya at idinilat muli kaya nawala ang pula sa mga mata niya ngunit hindi pa rin mawala ang takot ko sa mga oras na ito dahil sa kanya. Dahan-dahan niya akong binitawan at para siyang nahihirapan sa isang bagay na hindi ko alam.
“Umalis ka na, Sia…” hingal niyang utos sa ‘kin.
“Ba-bakit?”
“Umalis hangga’t kaya ko pa---argh!”
Lumayo ako habang nagpupumiglas siya sa lupa. Yinakap niya ang sarili habang sumisigaw.
“Kalen, anong nangyayari sa ‘yo?”
“UMALIS KA NA!”
Kosa akong napatakbo palayo sa kanya sa sobrang lakas ng boses niya at para bang dumoble ito. Napatakbo ako palayo hangga’t makakaya ko, halos madapa pa ako at nararamdaman kong humahabol na siya agad akong napatago sa pinakamalapit na puno. Hingal na hingal ako habang nakasandal doon kasabay na nararamdaman ko ang pagtulo ng pawis ko at pagtaas-baba ng aking balikat.
‘Teka lang! Bakit ba ako natatakot kay Kalen?’ hindi ko rin maintindihan sarili ko.
Narinig ko ang hingal niya at mukhang nasa malapit lang siya.
‘Sasaktan ba ako ni Kalen? Hindi naman, hindi niya yon magagawa sa ‘kin,’ nagtatalo ang isip ko sa mga oras na iyon.
“Sia…”
Narinig kong tinawag niya ako.
“Na saan ka na…hindi huwag kang lalabas kung na saan ka man, magtago ka mula sa ‘kin---Sia?”
Lumabas ako sa pinagtataguan ko, hindi ko akalain na yung mga ugat niya’y halos kitang-kita na lalo na ang ugat sa mukha niya, namumula ang mga mata niya, taas-baba ang dibdib sa mabilis na paghinga niya.
“Sabi kong---”
“Hindi ako aalis rito,” saka ako humakbang papalapit siya naman ang napaatras na para bang siya naman ang takot sa ‘kin, takot siyang masaktan niya ako. Aaminin ko, natatakot ako sa nangyayari sa kanya kahit na wala pa rin ideya kung anong nangyayari, ngunit dahan-dahan na bumabalik ang anyo niya, paluhod siyang bumagsak na para bang nanghihina kaya agad akong lumapit, “ayos ka lang, anong problema mo?” Iyon na lamang ang una kong naitanong sa kanya.
“Ang buwan,” mabilis niyang sagot.
Nagtataka man ay nagawa kong mapatingala sa kalangitan nang makitang matakpan ito ng ulap at pagdilim ng kakahuyan.
“A-anong meron sa buwan, Kalen?”
“Sa oras na magpakita ang buwan, iwan mo ko, magtago ka sa lugar na hindi ko alam,” he said desperately at para bang nahihirapan, “makinig ka sa ‘kin at gawin mo iyon.”
Hindi ko siya pinakinggan at inalalayan siya. Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo rin, “kailangan na nating bumalik sa kubo,” ilang beses akong napapasulyap sa buwan at nahihirapan din dahil sa bigat ni Kalen.
Malapit na kami sa kubo nang muli siyang bumagsak sa lupa at napasigaw sa sakit. Muli akong napatingala sa kalangitan na muling sumilay na naman ang buwan. Bigla na lamang niya akong hinawakan sa paa at hinatak para mapahiga ako. Mabuti na lamang ginamit kong pang suporta ang siko ko nang itungkod ko ito sa pagkabagsak ko, nanlaki ang mga mata ko nang pumaibabaw siya, dinilaan niya ang labi niya at parang hindi na siya si Kalen sa mapupulang niyang mga mata.
Nilagay niya sa leeg ko ang mga kamay niya at dahan-dahan niya akong sinasakal. Pinipigilan ko at nagpupumiglas habang hindi na ako nakakahinga. Ang lakas niya na para bang anumang oras mapuputol niya ang leeg ko sa pagkakasakal.
Inaabot ko ang mukha niya para kahit pa paano’y makalayo ako sa kanya o masaktan ko man lang ngunit nong oras na mahawakan ko siya sa baba niya biglang gumaan ang kamay niya sa ‘kin. Pula pa rin ang mga mata niya na para bang nagtataka saka siya bumitaw ang akala ko makakalayo na ako ngunit nagkakamali ako nang bigla siyang ngumisi, inagaw niya ang isa kong kamay at isa pa para ipwesto niya sa uluhan ko.
Bumaba ang mukha niya sa mukha ko na sobrang lapit na pati ang hangi’y mahihiyang lumusot sa pagitan namin. Inilapit pa niya ang labi niya, naramdaman ko ang pagdila niya sa labi ko at pasimpleng halik sa labi ko. Bigla na lamang akong nakaramdam ng init sa ginawa niya, pero si Kalen pa ba ang kaharap ko?
Huminga siya ng malalim at bumaba ang mukha niya na para bang pinipigilan niya. Namumula pa rin ang mata niya nang muli niya akong pagmasdan pero siya pa rin si Kalen, nararamdaman ko, may kung ano lang nangyayari sa kanya pero kung ako lang ang makakatulong sa kanya para bumalik siya sa dati gagawin ko para kumalma siya, dahil malapit siya sa ‘kin inangat ko lang ng kaunti ang ulo ko at muling nagkadikit ang mga labi namin.
Sandali siyang natigilan at saka niya sinagot ang halik ko nang igalaw niya ito. Pinagsarado niya ang mga kamay namin, bumibigat ang paghinga naming parehas, umiinit, kakaibang init na ngayon ko lamang naramdaman, pakiramdam ko bumabalik siya sa dati kahit padahan-dahan pumupusok ang halik niya at maramdaman kong pilit niyang pinapasok ang dili niya sa loob ng bibig ko na siyang pinagbigyan ko.
“Ahhh!” Kumawala ang ungol ko sa ginawa niyang pagsipsip sa ibabang labi ko at muli niyang nilaro ang dila niya sa loob na siyang mas lalong nakatagtag ng temperatura ko.