Chapter 41
NAKIKITA ko ang sarili ko na napapalibutan ng purple na ilaw, parang may kung anong sumabog na bagay kasabay ng malakas na hangin at namatay silang lahat. Napadilat ako sa kakaibang panaginip na yon, naririnig ko pa rin ang hinagpis nila, ang dalamhati ng mga nadamay na inosente at natanong ko na lamang ang sarili ko, ‘ako ba talaga iyon?’
Agad akong napabangon nang maalala ko ang nangyari sa amin ni Kalen ngunit imbes na matakot ako biglang gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang maaliwalas na lugar, napapalibutan ako ng mga native na kagamitan, sumasabay ang kurtina sa hangin na nakasabit sa bintana, halos kulay cream, light brown at white color na para banag boho style ang buong silid. May mga nakasabit na dream catcher sa itaas ng kisame na may iba’t ibang hugis at haba. May mga dried flowers na nakalagay sa lamesa at ilan sa puting vase. Naririnig ko ang paghampas ng dahon mula sa puno sa tuwing natatamaan ng hangin, mabango ang paligid, yung natural na amoy ng paligid.
Inalis ko ang kumot ko at ngayon ko lang napansin na may bago na pala akong damit na suot. Dumungaw ako mula sa labas, natanaw ko sa di kalayuan ang makapal na hamog sa mga bundok, ang nagtataasang pine tree at iba’t ibang bulaklak sa ibaba na nakapalibot sa kubo.
“Na saan ako?” Tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, dumiretso na lamang ako sa pinto at hinawi ang harang na kurtinang puti. Pagkalabas ko bumungad sa ‘kin ang mini sala at diretso na kusina sa kabila nito, dire-diretso lang ako hanggang sa makalabas ako, hindi ko alam kung na saan si Kalen pero pakiramdam kong na andito lang siya sa paligid, huminga ako ng malalim para pakiramdaman ang malinis na simoy ng hangin. Nakapaa ako at nararamdaman mismo ang mundo na ngayon ko lamang nararamdaman. Naglakad ako at nilibot ang buong labas ng kubo hanggang sa makarating ako sa maliit na lagoon nito na may malinaw na tubig mas malinaw pa sa kristal. Biglang nag-init ang pisngi ko ng maalala ko yung panaginip ko kasama si Kalen.
“Sia…”
Agad akong napalingon sa direksyon ng boses na nagmumula sa likuran ko, nakita ko agad si Kalen, not in his usual dress because his wearing a simple grey crew neck sweater, khaki pants and he is also bare foot. Bagsak ang buhok niya at para bang fresh siya.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan nang lumapit siya sa ‘kin at tumabi.
“Kumusta ka na? May masakit ba sa ‘yo?” Tanong niya sa ‘kin.
Hindi ko maiwasang hindi tumititig sa kanya dahil napaka-calm ng aura niya ngayon.
Umiling ako habang inaalala ang lahat bago ako nagising, “wala naman, wala naman akong nararamdaman na kahit na ano o masakit sa katawan ko, ikaw ba may masakit ba sa ‘yo?”
Ngunit wala na rin siyang galos sa mukha pero malay ko bang may iniinda siya.
Sumulyap siya sa direksyon ko at ngumiti ng bahagya, “wala naman kaya gusto kong magpasalamat kundi dahil sa ‘yo baka siguro wala na ako.”
Bahagya akong nagulat, “bakit naman? Diba dapat ako magpasalamat kasi palagi mo akong inililigtas,” biglang tumibok ang puso ko ng sobrang bilis na para bang nabubuhayan ito sa tuwing nariyan siya, wala akong ideya kung kailan ito nag-umpisa ngunit gustong-gusto ko ang pakiramdam na ito.
Umiling siya, “basta gusto ko lang magpasalamat.”
Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit na talagang hindi ko na itago ang tuwa ko sa hindi malamang dahilan. Naupo siya kaya dahil hawak niya ako’y napaupo rin ako sa tabi niya.
“Pamilyar sa ‘kin ang lugar ngunit na saan nga pala tayo?” Tanong ko sa kanya.
“Nasa Caroline na tayo.”
Hindi ako nagkamali ngunit hindi ko alam kung paano kami nakarating dito gayong alam kong parehas kaming nawalan ng malay.
“Dumating sila Mare para iligtas at kunin tayo. Kaya rin pala sila natagalan na hanapin tayo dahil nagkaroon ng suliranin sa Caroline habang wala tayo…”
May kung anong tumusok sa dibdib ko at pangamba ng marinig ko ang pangalan ni Mare, ang pagkakaalala ko may sikreto silang relasyon ng dalaga, pero parang gusto kong maging madamot, basta ang mahalaga naririto sa tabi ko Kalen, na sa ‘kin ngayon si Kalen, tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagkikwento niya.
“Sinugod ng ibang tribo ang Langston, nahirapan sila lalo na’t kulang ang grupo, wala ang lider nila para tulungan sila at i-lead sa labanan. Napagtagumpayan naman nila ang laban kahit pa may ilang namatay,” kahit nakangiti siya may lungkot sa mga mata niya, “saka nila tayo puntahan at hinatid na muna rito para makapagpahinga,” lumingon siya sa ‘kin, “at nasa unang hakbang na tayo sa tradisyon.”
“Tradisyon?” Bulalas ko.
Kaparehas ko para rin siyang nalito, “ang akala ko ba gusto mo na, sa ‘yo mismo ang nang galing.”
Bigla kong naalala ang pag-iisang dibdib sa kanya at saka ako napatango, “oo, sorry nawala sa isip ko.”
“Huwag kang mag-aalala pagaling na ang kaibigan mong si Karen ngunit palaisipan pa rin sa taga-Roseville ang gulong nangyari, hindi na tayong maaring bumalik doon, mas mabuting dito na lamang tayo,” dagdag pa niya.
Tumango-tango naman ako, hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa mga ilang naiwan ko roon.
“Tungkol pala sa tradisyon, anong gagawin natin doon?” Wala pa rin akong ideya pero may bumabagabag sa isip ko, si Mare, paano ko sasabihin sa kanya?
“Kailangan nating maghintay ng isang gabi o dalawa bago magpakita ang buwan, kailangan mong ihanda ang sarili mo sa basbas, kailangan mong ibigay ang sarili mo sa ‘kin,” wika niya.
Nanlaki ang mata ko at napabitaw sa kanya, “a-ano?” Bigla gustong kong umurong, hindi ako handa sa bagay na ito! Kasama ba talaga siya?
“Sia, wala na ‘tong atrasan ikaw mismo ang nagsabing sa kasunduan, hindi kita pinipilit ngunit kung nag-aalinlangan ka pa may ilang gabi pa tayong hihintayin bago tayo makabalik sa mansyon pagkatapos ng basbas,” paliwanag niya.
Napatitig ako sa kanya ngunit may napansin ako sa mga mata niya, hindi ko alam kung ako lang ba yung takot ngunit bakit pati siya’y parang natatakot sa bagay na hindi ko alam, gusto kong magtanong pero hindi ko nagawa pa. Naging tahimik na kami sa isa’t isa, na awkward na ako, handa na ba akong ibigay ang sarili ko sa isang lalaki para lang sa tradisyon? Mauuna pa ang bagay na ito kesa sa kasal na siyang iba sa mundong kinalakihan ko.
“Pwede bang dumalaw na muna tayo sa mga magulang ko sa sementeryo bago ako makapagdesisyon ng maayos?” Huli kong hiling sa kanya.
Ngumiti siya at inabot ang kamay niya sa pisngi ko, “kung iyon ang gusto mo.”