Chapter 82 Napapalibutan kami ng dahan-dahang pag-ilaw ng mga bulaklak sa paligid at ilang dahon. Yakap-yakap ko pa rin siya, nakahinga na rin ako nang maluwag nang malaman kong nasa malayo na kami, “Kal,” paggigising ko sa kanya, “gumising ka na, hindi kita kaya, mabigat ka,” wika ko habang bahagya ko siyang sinasampal sa mukha para magising. Para siyang nahihimbing ng tulog lalo na’t ilang beses kong narinig ang mumunti niyang hilik, siguro mananatili na muna kami kahit ilang saglit hanggang sa magising siya, ginamitan ko siya ng kapangyarihan para mawala ang ilang sugat at galos na nakuha niya, binigyan ko rin siya ng kakaunting lakas para manumbalik ito pagkagising niya. Pagkatapos nu’n naiwan akong nakatitig sa mga mukha niya, ngayon ko na lang uli siya nakita ng ganito kalapit at

