Chapter 100 NAIWAN sa eri si Elrich at gulat na gulat pa rin sa kanyang nagawa sa dalaga nang bumagsak ang ulo nito sa unan, narinig niya agad ang halik nito sa kalasingan at pagkaantok, ngunit nararamdaman din niya ang kalabog ng dibdib niya, kailangan niyang pahupain ang init at ligalig na nararamdaman niya. Sandali niyang tinitigan si Sia na ngayo’y tulog na tulog na, saka niya kinumutan ng maayos ito at umalis na ng silid. Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Geo, nagkataong nagkatitigan sila, napatitig ng husto ang binata lalo na nang may mapansin ito sa kanya, seryoso itong lumapit, sa lahat ng iniiwasan niya sa Templar si Geo dahil sa pagiging arogante at mayabang nito makipag-usap simula nang dumating siya ng Templar. Nang makarating si Geo sa tapat niya pinakalma niy

