Chapter 99 NAGDADALAWANG-ISIP si Sia kung tatangapin pa ba niya ang alok na mag-prepare sila sa birthday ni Marivic para sa linggo, lalo na’t muli na naman silang nagsara sa maghapon na iyon para magpahinga at kumalma ang mga ito. Binisita niya si Yannie, bukas ang pinto nito at saka pumasok. Nakatalikod ang dalaga sa direksyon niya ngunit nararamdaman ni Yannie kung sino ang dumating, napansin ni Sia na kakaunti lamang ang kinain ng dalaga sa umagang iyon. Naupo siya sa tabi ng dalaga nang makalapit siya rito, kaya dahan-dahan namang naupo at sinandal ni Yannie ang likod niya, hindi pa rin maitago ang lungkot at takot sa nangyari kagabi hanggang ngayon wala pa rin nakakaalam maliban sa kanilang lahat. “I’m sorry, Yannie, sorry kung nilimatahan ko kayo para ipagtanggol ang mga sarili ni

