Chapter 96 NANG makapagpirma at pumayag si Elrich sa kontrata. Halos tumagal naman ito ng dalawang linggo at naging abala nga ang binata sa Templar sa pagtulong nito sa kusina at minsan paglilinis, dahil baguhan madalas na si Geo ang nagbabantay dito at nag-uutos ng mga gagawin nitong trabaho. Nakamasid lamang si Sia sa binata hanggang sa dumating ang araw ng sahod, kay Elrich ang may ganitong gawain dahil hindi naman kailangan ng sahod ng mga kasama ni Sia, nang bumisita si Elrich sa kanyang munting opisina para ibigay ang sahod halata sa mukha ng binata na pagod na pagod ito. Ngunit nang lumapit si Elrich sa kanya napansin niya sa mga mata nito ang pagod ngunit nagawa pa rin nitong ngumiti sa kanya hanggang sa makalapit ito sa kanyang direksyon, saka naman inabot ni Sia ang sobre kay

