This is a short update. Iniklian ko lang talaga para sa POV ni L dahil magsisimula na talaga ang totoong kwento sa next chapter... Shit! Anong ginawa ko? Masyado yata akong nadala ng mga emosyon ko dahil sa galit ko kay Lei. Bakit ko nagawa iyon sa kanya? Napakatanga ko talaga! Shit! Gusto kong saktan si Felix na siyang bumaril sa kanya ngunit hindi ko na rin magagawa dahil patay na siya ngayon. Naiinis ako dahil sinaway niya ang utos kong hwag silang makikialam sa hidwaan namin ni Lei. Andito sila para magbantay at hintayin ang senyas ko bago sila kumilos. Pero pasaway lang dahil hindi siya nakinig sa akin. Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil sinalo niya ang balang dapat sana para sa akin ngunit nagagalit ako dahil tinamaan din niya si Lei malapit sa puso. Alam kong

